Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tanyag na lalaking pigura, gigil na gigil sa dating kaalyado

PIGIL na pigil lang marahil ang kanyang emosyon, pero tiyak na gigil na gigil ang isang tanyag na lalaking pigura na ito dahil sa dinami-rami ng babangga sa kanya’y kaalyado pa niya noon.

At kung paniniwalaan ang tsismis, hindi lang sila basta political allies o sanggang-dikit, at ano pa?

Tsika ng aming dalahirang source, “May tsismax kasi noon na ‘yung isa roon, eh, pumorma sa dyunakis ng sikat na lalaking personalidad. Imadyin, walang kaalam-alam ang huli na inaaswang na pala ‘yung daughter niya?”

‘Yun daw ang dahilan kung bakit nahiwalay ang girlash sa dyowa niya, nasilo kasi niyong kaalyado ng pudra niya ng bonggang-bongga!

Tuloy ay binansagang walang utang na loob ang pabling na kaalyado, “Sa halip na tulungan na lang niya ‘yung sikat na male personality, eh, napili pa niyang kalabanin! Hmp!”

Da who ang dating sanggang-dikit na itey? Itago na lang natin sila sa alyas na Ernie Kartada at Ismael Preno.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …