Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beteranong actor, sa anak na actor na walang trabaho humihingi ng luho

MABUTI na lang at magiging aktibong muli ang beteranong aktor na ito, at bakit naman aber?

Inirereklamo kasi siya ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang dyunakis na aktor din dahil, “Sukat ba namang gusto pa niyang (veteran actor) bilhan daw siya ng shares sa isang country club para sa kanyang pastime sport!”

Okey lang naman daw sa pamilya ng masyondang aktor na maglambing ito sa kanila. “Kaso, ang napili pang hingan ng veteran actor na’yon, eh, ‘yung isang anak niya na wala rin namang trabaho. Bukod pa roon, eh, may sarili na rin itong pamilya, ‘no! Alangan namang unahin nito ang luho ng fadir niya, ‘di ba?” dagdag pa ng aming source.

Hirit pang tsika, dumating na nga raw sa puntong maging ang asawa ng veteran actor na ‘yon ay imbiyerna noong time na wala itong trabaho.

“’Yung asawa niya ang humahanap ng raket, maka-survive lang sila. Naglulumayf-style rin kasi ang pamilyang ‘yon, eh,” tip pa sa amin.

Da who ang maluhong beteranong aktor? Itago na lang natin siya sa alyas na Freddie Gucci.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …