NAGPASYA ang award-winning actress na si Aiko Melendez na huwag munang magbalik sa politika para mas makatulong sa kampanya ng kasintahang si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun na kakandidatong vice governor ng Zambales sa darating na halalan.
Plano sana ni Aiko na tumakbo muli sa pagkakonsehal sa Quezon City, dahil sa kahilingan ng mga constituents niya na patuloy na nagmamahal sa kanya. Pasok sa Top 6 sa survey si Aiko sa pagkakonsehal sa Second District ng Quezon City na pinagsilbihan niya nang tatlong termino bilang konsehal mula 2001 hanggang 2010.
Sa aming exclusive na panayam, sinabi ni Ms. Aiko na mahirap na desisyon ito para sa kanya. “Mahirap ang mag-decide also pero ipinagdasal ko also kuya Nonie kasi my decision also my statement explains what’s in my heart po.”
Dagdag niya, “Nakakataba po ng puso na nandiyan ang suporta ng ating constituents, pati sa survey po nasa Top 6 po ako and pati po ‘yung chairman ni Pres. Duterte sa QC gusto ako roon po, pero may mga bagay talaga na ipauubaya ko muna for now po.”
Posible ba siyang maging campaign manager ni Mayor Jay?
Nakangiting tugon ni Ms. Aiko, “Hindi po ako ang campaign manager ni Mayor, ako ay tagasupporta lang at nakaalalay sa kanya sa campaign. May mga lugar po na pupuntahan namin nang sabay to personally check ‘yung conditions ng mga taga-Zambales po. Mayroon silang campaign manager po talaga.”
Narito naman ang post ni Ms. Aiko kahapon sa pag-file ni Mayor Jay ng kandidatura bilang Vice Governor ng Zambales:
Today is just the start of his journey of serving the Province of Zambales, For vice governor. d’þ Sa mga taong di po nakakaalam as a public service po si Jay for 18 years. Nag-umpisa bilang Board Member haggang naging Mayor po ng 9 na taon. Hinog na po kung tutuisin. Mag-ikot po kayo sa Subic para malaman n’yo din po marami po s’ya nagawa. Congrats baby and goodluck! Ngayon palang iam a Proud partner d’þ @mayor_jaykhonghun May God be with you! Shine for Jesus 🙂 @ San Marcelino, Zambales
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio