PAPASA sa Kamara ang panukalang budget ng bansa para sa 2019 bago magtapos ang 2018.
Ayon kay Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, senior vice chairperson ng House committee on appropriations, ang P3.757-trilyong national budget para sa 2019 ay maaaring pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang Disyembre.
Nangangamba ang oposisyon na maulit ang 2018 budget kapag nabigo ang Kamara na maaprobahan ang National Expenditures Program sa pangatlo at huling pagbasa bago mag-recess nang isang buwan para sa Undas.
Ayon kay Zamora, ang General Appropriations Bill (GAB) ay kasalukuyang pinag-uusapan ng tinatawag na “small committee” na pinagtutugma ang mga magkakasalungat na probisyon ng budget sa loob ng House Bill (HB) No. 8169 o ang national budget.
Ani Zamora, ang plenaryo ay nakatakdang bumoto sa pagbalik sa 12 Nobyembre para aprobahan ang pamban-sang budget.
Pagkatapos maaprobahan sa Kamara, ang panukala ay dadalhin sa Senado para pag-isahin ang bersiyon ng dalawang kapulungan.
“Once both Houses of Congress agree, then we can finally send the budget to the President for his approval,” ani Zamora.
Naantala ang pag-aproba ng budget matapos matuklasan ang umano’y P52-bilyones ‘pork’ para sa ilang mga kongresistang kaalyado ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Iniutos ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na himayin ang mga nakatagong ‘pork’ para makinabang ang distrito ng mga kongresista.
ni Gerry Baldo