SA ika-apat na taon ng Parañaque City Press Club, muling isasagawa ang halalan, na suportado ni incumbent Mayor Edwin L. Olivarez, na kinabibilangan ng mga lehitimong mamamahayag na may kanya-kanyang media entity na nagkokober sa southern part ng Metro Manila, kabilang ang lungsod ng Parañaque.
*****
Ang idaraos na halalan ay bunsod ng mga reklamo na natatangap na maraming nagkalat na nagpapakilalang miyembro ng media sa nabanggit na lungsod na walang media entity. Ikinasisira ito ng mga lehitimong mamamahayag na nagkokober sa lungsod.
*****
Sabi ni Armida Rico, ng pahayagang Abante/Tonite, pangulo ng PCPC, dapat makilala ng mga opisyal ng lungsod na mayroon isang grupo ng mga mediamen na kinabibilangan ng print media ang legitimate na nagkokober sa Parañaque City. Ang mga newshen ay pawang inatasan ng kanilang mga publishing company na ikober ang Paranaque.
*****
Sa PCPC, trabaho lang at walang personalan ang ginagawang balita, dahil ang mga miyembro nito ay pawang mag beterano na sa larangan ng pamamamahayag.
CALIXTO VS CUNETA SA MAYORAL RACE SA LUNGSOD NG PASAY
Parehong matunog at kilala ang mga apelyido sa lungsod ng Pasay, ngunit sa henerasyon ngayon, mas nangibabaw ang mga Calixto, dahil mula mang mamayapa ang dating alkalde, Pablo Cuneta ay unti-unting namatay ang dating matunog na apelyidong Cuneta.
Nang pumasok ang mga Calixto, nadoble ang tunog, dahil magkapatid na Emi at Tony ang mga top public servants sa lungsod! Naalala ko noong nabubuhay pa ang matandang Cuneta, sumubok na kumandidato bilang congresswoman ang panagalawang misis niya na si Ma’m Elaine Cuneta, ngunit hindi pinalad.
Gayondin ang anak na si Chet Cuneta. Kahit sinuportahan pa ni megastar Sharon Cuneta na kasikatan noon pero hindi nakuha ng karisma ng megastar ang mga botante ng Pasay. Bakit?
Kung ang Parañaque City ay maraming mahilig sa showbiz, kaya madaling manalo ang mga artista, sa lungsod ng Pasay, ang kailangan ay tunay na nagseserbisyo.
Ang mga Calixto, hindi agad sumabak sa politika sa mataas na puwesto, gaya ni Mayor Calixto, mula konsehal, vice mayor hanggang maging mayor! Gayondin si Emi Calixto Rubiano, mula konsehal hanggang congresswoman!
Bakit ang lakas ng loob nitong si Chet Cuneta na tumakbong mayor agad ng lungsod? Sana nagsimula muna siya bilang kapitan ng barangay, baka sakali…
Dahil ang tao sa Pasay ay tumitingin o sumasalamin sa kakayahan ng isang kandidato, hindi iyong parang kabute na susulpot lamang nang wala pang napapatunayan… tama ba o mali?
Kayo na ang sumagot mga ‘igan!
ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata