KAMAKAILAN lang ay may lumabas na artikulo sa isang dyaryo (hindi po sa ating kolum) na inaakusahan ang Bureau of Immigration tungkol sa P150-M halaga ng visa raket.
Batay sa alegasyon, partikular na itinuturo ang BI-field office sa SM Aura.
Medyo nakalulungkot ang alegasyon, considering na mainit ang lagay ng kasalukuyang pamahalaan dahil sa sunod-sunod na issues tungkol sa ilang ahensiya ng gobyerno pagkatapos ay nadagdag pa ang isyung ito sa BI.
Sana, habang maaga ay maapula ng mga bossing sa Bureau ang apoy na kumakalat tungkol sa balitang ito.
Bagama’t may naririnig din tayo tungkol sa palusutan ng mga dispalinghadong papel ng mga foreigner sa BI SM-Aura ay hindi naman tayo makapag-komento agad dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Napuna lang natin na medyo mabigat ang imbudo ‘este daloy ng visa applications doon samantala nariyan naman ang iba pang BI field offices na puwedeng doon gawin ang proseso para maiwasan ang nag-o-overflow na transaksyon.
Masyado naman “toxic” para sa hepe ng BI-SM Aura field office kung lahat nga naman ng papel ay sa kanila idaraan.
Nariyan naman kung tutuusin ang BI field offices ng PEZA at Makati pero what made SM Aura field office so special para doon lahat ang imbudo ‘este proseso ng mga papeles??
May quota ba silang hinahabol?
O sadyang special lang sa puso ng mga bossing sa BI ang nasabing lugar?
Sabi nga ng matatanda, ang anomang sobra o labis ay masama at kung minsan pa nga ay nakamamatay?!
Lalo na kung ikaw ay bundat na?!
Araykupu!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap