Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free
Derrick Monasterio Sanya Lopez Wild and Free

Sanya, sa maseselang eksena nila ni Derrick — Hindi ito bastos

TRAILER pa lang ng Wild and Free nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez na handog ng Regal Free, marami na ang na-shock. Paano’y sobrang init ng mga eksenang ipinakita roon.

Pero alam n’yo bang ikinatakot pala iyon ni Derrick?

Ayon sa aktor, natakot siya nang kunan ang unang sex scene nila ni Sanya. Pero sobra namang bumilib ang kanilang direktor na si Connie SA Macatuno sa dalawa niyang aktor.

Ani Derrick, ”Nakakatakot kasi baka bigla akong masampal. Siyempre ako, na-envision ko na agad ‘yung magiging takbo ng eksena, kung ano ‘yung mangyayari.

“Pero siyempre faithful ka rin dapat kung ano ‘yung hindi dapat gawin, kasi respeto kay Sanya,” giit ng aktor.

Hindi rin naman itinanggi ni Sanya na kinabahan din siya sa maseselang eksena. Aniya, ”Nandoon po kasi talaga ‘yung kaba, pero natutuhan naming maging open lang kami, na hindi ito bastos, may mga eksena na magiging totoo at madadala ka talaga kahit hindi naman sabihin sa ‘yo na gawin mo. Ganito naman ang ginagawa ng totoong lovers. Sex is part of the relationship.”

Giit pa ni Sanya, hindi nag-take advance si Derrick sa kanya. ”Nakatulong din po sa akin na gentleman po talaga si Derrick at close po talaga kami. Kapag po kasi nandoon ka sa set at nandoon ang respeto sa isa’t isa, magagawa n’yo ang bawat eksena ng maayos.”

Ang Wild And Free ay ukol kay Ellie, isang independent at self-supporting woman, na nagtatrabaho bilang part-time sa TNVS (transport network vehicle service) driver. Muling magkukrus ang landas nila ng kanyang ex na si Jake (Derrick) nang maging pasahero niya ito.

Habang bumibiyahe, babalikan nila ang kanilang nakaraan hanggang sa madiskubre ni Jack ang matagal nang lihim ni Ellie at dito na nga magsisimula ang mga nakakaloka at nakaka-shock na twist and turns ng movie.

Sho­wing na nationwide sa Oct. 10 ang Wild And Free na sinabi nina Derrick at Sanya na hindi mabibitin ang sinumang manonood sa pelikulang ito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …