Tuesday , January 31 2023

Macatuno, galing ng ABS-CBN

FIRST directorial job pala ni Connie Macatuno ang pelikulang Mama’s Girl with Sylvia Sanchez in the major cast.

A graduate of Masscom, dating EP (executive producer) si Connie ng now-defunct Showbiz Lingo sa ABS-CBN noong dekada ‘90.

Tanong tuloy namin sa aming kausap who volunteered this info on Connie’s employment background, kung galing siya sa Dos ay bakit hindi siya nabigyan ng break na magdirehe for Star Cinema, the network’s film arm?

“Wala kasi si Connie sa circle ng mga ginu-groom bilang movie director. In short, she did not belong to the so-called Tung Dynasty,” sey ng aming source.

Sa lengguwahe ng showbiz, ang “tung” ay tawag sa mga lesbiyana. Bagama’t wala namang out o mga nagladlad ng tomboy sa ABS-CBN, hindi ‘yon maikakaila sa kanilang mga kilos.

In fairness to them, mahuhusay sila sa larangan ng pagdidirehe.

Going back to Conie, bilang isang bagito in the field of directing ay maayos naman ang pagkakagawa niya ng nasabing pelikula.

“Ang ikinatatakot ko lang, mukhang sesemplang ‘yon sa box office. Sa title na title pa lang, eh, wala nang kadating-dating. Maganda pa nga ‘yung mga Regal movies noon na may katunog ding title tulad ng ‘Oh, My Mama’, winner ‘yon sa takilya.”

Sa paglabas ng kolum na ito’y showing na ang Mama’s Girl, tingnan natin kung nakaalagwa nga ito sa takilya base sa opinyon ng aming source.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm 2

Beautederm ambassadors nagsama-sama sa unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters 

MATABILni John Fontanilla BILANG paghahanda sa ika-14 anibersaryo ngayong 2023, binuksan kamakailan ng Beautéderm Corporationang taon …

Charo Laude Nadine Lustre Deleter

Charo Laude saludo sa husay umarte at bait ni Nadine Lustre

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang beauty queen/actress na si Charo Laude na naging top-grosser sa 2022 Metro Manila …

Kris Lawrence Alex Gonzaga

Kris nadamay sa galit ng netizens kay Alex 

MATABILni John Fontanilla FIRST time na na-bash ng grabe ang awardwinning RNB singer at tinaguriang …

Dina Bonnevie

Dina nagparinig sa dapat ginagawa sa cake

I-FLEXni Jun Nardo NAGPASARING si Dina Bonnevie sa nakaraan niyang birthday celebration. Isang server ang nagdala ng …

blind item woman

Character actress sa gabi naliligo para itago ang peklat sa hita at binti 

I-FLEXni Jun Nardo SA gabi pala madalas maligo ang isang character actress. Nalaman ang ugaling ito …

Leave a Reply