Wednesday , August 10 2022

All Star Videoke, tsugi na; ‘di makaalagwa sa I Can See Your Voice

EFFECTIVE April 1, hindi na mapapanood ang All-Star Videoke hosted by Betong Sumaya and Solenn Heusaff. Ang ipapalit dito’y ang nagbabalik na Lip Synch Battle.

Ayon mismo sa aming source sa GMA, hindi makaalagwa ang ASV sa katapat nitong I Can See You Voice.

Matatandaang ang ASV ay dating hosted nina Jaya at Allan K. With its replacement, mukhang mas tataas ang production cost ng estasyon via LSB.

Pasensiya na, we cannot pass judgement sa ganda ng ICSYV na si Luis Manzano naman ang host. Hosting-wise, walang dudang isa sa mga mahuhusay na TV host si Luis (may pinagmanahan naman kasi).

Hindi lang siguro swak ang Betong-Solenn tandem in a music-oriented program. Solenn can more than carry a tune, eh, si Betong? Dapat sa mag-partner ay marunong kundi man magaling sa larangan ng pagkanta.

Siyempre, imposibleng ibinalik sina Jaya at Allan K dahil nasa ABS-CBN na ang tinaguriang Soul Diva. Si Allan K naman ay mas identified sa pagho-host ng Eat Bulaga bagamat nagsimula naman siya bilang singer-entertainer sa Japan noon.

Harinawa’y makabawi ang GMA via LSB na papalit sa ASV. Here’s hoping din na maungusan nila ang kay Luis although ang presence roon ni Alex Gonzaga na isang non-singer—sa totoo lang—ay walang idinudulot na advantage sa show.

Alex is neither funny hindi tulad ni Bayani Agbayani. In short, miscast doon si Alex na sana’y bigyan na lang ng ibang TV assignment.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Zeinab Harake Rhea Tan Koreisu Toothpaste Etré Clair Beautéderm

Thankful sa tiwala ni Rhea Tan 
ZEINAB HARAKE HAPPY & HONORED MAPABILANG SA BEAUTEDERM FAMILY

ni Glen P. Sibonga IPINAGMAMALAKI ng sikat na celebrity vlogger, influencer, at social media star …

Isko Moreno Domagoso Family Paris

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila …

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Leave a Reply