Tuesday , April 15 2025
dead gun police

Mag-utol niratrat, 1 dedbol

PATAY ang isang 21-anyos lalaki habang sugatan ang kanyang kapatid nang pagbaba­rilin sila habang lulan ng motorsiklo, ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng Toyota Innova sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Angelbert Paco, 21, residente sa 101 Purok 6, Tramo Heights, Brgy. Sucat ng siyudad, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang kapatid niyang si Kim Paco, 25, graduate ng BS Crimi­nology, nakatira sa nasabi ring lugar, tinamaan ng bala sa kanang baywang.

Ayon kay Muntinlupa City police chief, S/Supt. Gerry Umayao, nangyari ang insidente dakong 6:15 pm sa Posadas Avenue, harapan ng Patio Homes Subdivision, Brgy. Sucat ng lungsod.

Base sa report, mag­kaangkas ang magka­patid sa isang motorsiklo at habang binabaybay ang naturang lugar nang harangin sila ng isang Toyota Innova na may plakang UJO-863, at pinagbabaril ang mga biktima ng ilang lalaki sakay nito.

Pagkatapos ng pama­maril ay tumakas ang mga suspek patu­ngong Brgy. Upper Sucat ng lungsod.

Habang pinaharurot ng nagmamanehong si Kim ang kanilang motor­siklo para takasan ang mga suspek na inakalang hahabulin sila ngunit nahulog mula sa motor­siklo ang nakababatang kapatid.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng mga awtori­dad sa insidente.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *