Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chooks to Go National Rapid Chess
Chooks to Go National Rapid Chess

Laylo, Elorta, Literatus tampok sa Nat’l Rapid Chess

KOMPIYANSA  sina defending champion Grandmaster Darwin Laylo, Fide Masters David Elorta at Austin Jacob Literatus sa pagtulak ng 2nd annual Chooks to Go National Rapid Chess Championships sa Oktubre 6, 2018, Sabado na gaganapin sa Activity Center Ayala Malls South Park sa Alabang, Muntin­lupa City.

Matatandaan na ang tatlong manlalarong na­banggit ay kapwa naka­pag­tala ng tig-pitong pun­tos sa walong laro para tumapos ng three-way tie sa first place sa katatapos na 6th Atty. Jong Guevarra Cup Mindanao Chess Festival NCFP rated Open division nitong Setyembre 29, 2018 na ginanap sa Food Hall, Gaisano Mall sa Toril, Davao City.

Ang iba pang notable players sa Open division meet ay sina Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr., International Master Chito Garma, Fide Master Nelson “Elo” Mariano III and National Masters Noel dela Cruz at Emmanuel Emperado.

Ang Open champion (18-years old and above) ay tatangap ng P20,000 cash plus a trophy. Naka­laan naman sa runner-up ang P10,000 at trophy , ang third place ay P7,000 at medal, ang fourth place ay P5,000 at medal at ang fifth place ay P3,000 at medal.

Nakalaan naman sa 6th hanggang 10th place ang tig P2,000 plus medals.

May special awards na tig P2,000 at medals para sa Top 2000 and Below, Top 1900 and Below, Top 1800 and Below, Top Lady at Top Senior.

Ayon kay Rotary Club of Nuvali president Noel Divinagracia ang 2nd Chooks to Go National Rapid Chess Champion­ships ay ipapatupad ang 7-round Swiss System Four Division Tournament na may time control na twenty minutes (20) plus 5 seconds delay sa bawat manlalaro para tapusin ang laro. Ito ay bukas sa lahat ng manlalaro anu­man ang kanilang edad, rated o non-rated, male o female.

May 400 chess players mula Metro Manila at iba pang parte ng bansa ang inaasahang lalahok sa  National Chess Federation of the Philippines sanc­tioned tournament.

Ang organizers Rotary Club of Nuvali at Muntin­lupa City sa pakikipag­tulungan ng Ayala Malls South Park at Philippine Executive Chess Associa­tion ay naglatag din ng Kiddies division (12-years old and below), Junior division (13-years old to 17-years old) at Executive division (PECA Members).

(M. Bernar­dino)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …