Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Meralco Bolts FIBA
Meralco Bolts FIBA

Bolts, pumang-apat sa Champions Cup

NAGKASYA sa ikaapat na puwesto ang Meralco Bolts nang kapusin kontra sa SK Knights, 87-91, ng Korea sa pagtatapos ng 2018 FIBA Asia Champions Cup sa Stadium 29 sa Non­thaburi, Thailand kamakalawa ng gabi.

Ngunit sa kabila ng kabi­guang makapagtapos sa po­dium finish at makapag-uwi ng medalya ay uuwi pa rin sa bansa ang Bolts na taas-noo dahil sa semi-final finish nito.

Sumalang sa digmaan ang koponan na kulang ng apat na manlalaro at nagkaroon lamang ng mabilisang ensayo para sa naturang torneo ng pinaka­magagaling na Asian ball clubs.

Naiwan sa bansa ang dala­wang beterano ng Bolts na sina Jared Dillinger at Ranidel de Ocam­po sa pagbiyahe ng kopo­nan noong nakaraang linggo bunsod ng bone spur at calf injuries, ayon sa pagka­kasu­nod.

At pagdating ng koponan sa Thailand ay namroblema ulit nang hindi paglaruin ng FIBA bilang mga lokal na manlalaro ang mga Filipino-Americans na sina Cliff Hodge at Chris Newsome.

Nagpalit din sila ng import sa pagkuha kay Diamond Stone nang mapinsala ang orihinal na import nitong si Liam McMor­row ilang araw bago ang kom­petisyon. Sa kabutihang palad, naka-adjust agad sa sistema ni head coach Norman Black si Stone na giniyahan ang koponan kasama si Allen Durham sa pagsibak nila sa dating kampeon na Al Riyadi, 96-63 upang makapa­sok sa semi-finals ng naturang torneo.

Bunsod ng magiting na kampanyang ito, naalpasan ng Meralco ang ikaapat na pu­westong pagtatapos ng kinatawan ng bansa na Chooks-to-Go Pilipinas sa 2017 FIBA Asia Champions Cup na gina­nap sa Chengzou, China.

Samantala, dinaig ng Petrochimi ng Iran ang Alvark Tokyo ng Japan, 68-64 sa finals upang iuwi ang kampeonato ng Champions Cup.

Magugunitang ang Petro­chimi rin ang sumibak sa Meralco sa semi-finals sakay ng dikit na 79-74 tagumpay.

Nakabalik na sa bansa ang Bolts at sasalang na agad ulit sa PBA Governors’ Cup kontra sa Blackwater sa darating na Biyernes sa Smart-Araneta Coliseum.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

2026 World Slasher Cup

20 entries pasok sa grand finals ng 2026 World Slasher Cup

DALAWAMPUNG entries ang magtutunggali sa grand finals ng kauna-unahang edisyon ng World Slasher Cup 9-Cock …

PSC Pato Gregorio PFF John Anthony Gutierrez

Football ng Pilipinas, Nagmarka ng Kasaysayan sa 2025

NOONG 2025, naabot ng football sa Pilipinas ang mga hindi pa nararating na tagumpay. Sa …

Creamline Cool Smashers PVL

Cool Smashers pinagtuunan ng pansin ng liga sa PVL All-Filipino Conference

Mga Laro Bukas(Filoil Centre)4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal6:30 n.g. – Akari vs Choco …

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …