Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Union mayor, 2 pa patay sa ambush

PATAY ang mayor ng bayan ng Supiden sa lalawigan ng La Union ma­karaan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek nitong Lunes ng gabi, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay Bangar Police C/Insp. Cirilo Butigan, si Mayor Ale­xander Buquing at kan­yang misis na si Vice Mayor Wendy Buquing, ay pauwi sa kanilang bahay nang harangin ng mga suspek ang kanilang sasakyan at sila ay pinag­babaril sa Brgy. Cadapli.

Isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival si Alexander.

Ayon sa staff mem­bers ng Ilocos Sur District Hospital, ang mayor ay may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang driver ng alkalde na si Bonifacio Depdepen at kanyang bodyguard na si Rolando Juan Be, ay napatay rin sa insidente.

Habang si Wendy ay patuloy pang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Sinabi ni S/Supt. Ricky Layug, director ng La Union Provincial Police Office, ligtas na ang kalagayan ng bise alkalde.

Hindi pa malinaw ang motibo sa pana­nam­bang, ayon sa mga imbes­tigador. Nagbuo na ang special investigation task group na mag-iimbestiga sa insidente.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …