Thursday , December 19 2024
Julius Babao Zen Hernandez
Julius Babao Zen Hernandez

Julius, wish magkaroon ng online channel; Zen, sariling show ang pangarap

MA-INTERBYU si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang sagot ni Julius Babao nang matanong namin siya kung may gusto pa ba siyang magawa o hindi pa nagagawa sa tagal niya bilang anchor o mamamahayag sa ABS-CBN.

Ani Julius, “Isa ito (makapanayam si Duterte). Halos wala na talaga kasi nagawa ko na naman talaga noong nasa ‘TV Patrol’ ako ng maraming taon. But I also want to host pa ng mga show na sa tingin ko ay puwede pang gawin. Kasi marami pa ‘yang show na ‘yan. Siguro kagaya ng pinag-uusapan natin tungkol sa mga millennial. I’m challenge to reach out to them hindi lang sa mga fashion-fashion kundi sa mas ma-engage ko sila. Maybe one day I have a show na magke-cater din sa kanila o kasama sa grupo na tatangkilik ng program na iyon.

“Or maybe going through sa mga online channels, ‘yung sarili kong channel na puwede akong mag-interbyu ng mga tao, mga personality. Kasi ‘yun ang uso sa America eh, mayroon na silang mga sariling YouTube Channels. Marami ka ring makukuhang following doon, lalo na sa abroad.”

Pagdating naman kay Zen, sinabi nitong kahit sampung taon na siya sa ABS-CBN, “itinuturing ko pa ring nagsisimula ako kaya marami pa rin akong gustong matutuhan. Ang dami pang possibilities. Of course kung andito ka sa industriyang ito sino ang hindi nagdi-dream to have your own show na may topic na nagdi-discuss ng mga gusto mong bagay.

“Ako, I love people’s stories, I would love to have a show na nagpo-focus talaga sa mga tao, at show na nagpi-present ng culture, iba’t ibang kultura sa Pilipinas, ang dami pang puwede.”

Pero bago ito, tutukan muna ang dalawa sa mas liliwanag pang umaga tuwing Sabado at Linggo para sa kanilang Magandang Morning with Julius and Zen sa DZMM TeleRadyo, na napapanood sa ABS-CBN TVplus at cable TV.

Maliban sa mga panayam, komentaryo, at pagtalakay sa pinakamaiinit na isyu sa linggo, na roon nakilala ang programa nila simula nang magsimula ito noong 2003, magkakaroon na rin sila ng mga bagong segment na tiyak na kapupulutan ng impormasyon ng mga manonood at tagapakinig ng programa sa DZMM Radyo Patrol 630.

Nariyan ang Ano’ng Meron, na tatalakay sa mga pasyalan at aktibidad na para sa buong pamilya, samantalang bida naman ang mga Filipinong naka-duty tuwing day-off ng karamihan tulad ng mga tindera at nars sa  Kayod-Kayod. Ipapakita rin nila ang mga kuwento sa likod ng mga tao sa balita sa Dahan Dahan Lang.

Ani Julius, masaya siya sa mga pagbabagong magaganap sa ika-15 taon ng programa. “Through the years nakatutuwa na nagkaroon na kami ng loyal following among our listeners and now our viewers in TeleRadyo. Nakatutuwa kasi mag-e-evolve na naman ‘yung program into another dimension. We are trying to explore pa ‘yung ways para mas lalo nating ma-improve ‘yung program at maging mas interesting pa sa listeners natin.”

Si Zen naman, patuloy na nagpapasalamat sa oportunidad na masubukan ang radyo at makasama pa ang isang de-kalibreng mamamahayag na gumagabay sa kanya simula nang pumasok siya sa Magandang Morning noong 2015.

“May halong excitement at kaba at first. Kasi this is the first time I’ll be working with him pero surprisingly he is a very warm person. I still look up to him but I think he is a friend now so nawala na ‘yung impression ko na nakakakaba.”

Pinuri rin ni Julius ang nakababatang co-anchor, na ika niya ay may taglay na talino, galing sa pagsasalita, at tamang attitude na siyang dahilan kung bakit matagumpay ang kanilang tandem at malayo na rin ang narating sa industriya.

“Nagko-complement kami kasi si Zen is a journalist ako naman kilala rin nila as a journalist, news anchor. Para kaming sparring parang nagsasayaw minsan ‘yung timing namin sa isa’t isa. Hindi kami nagsasapawan. I guess ang isa sa strength namin as partners sa show is we respect each other’s opinions,” aniya.

Bukod sa Magandang Morning, patuloy na nagbabalita si Zen para sa ABS-CBN News at kung minsan ay humahalili sa TV Patrol. Si Julius naman ay may Mission Possible at Bandila sa ABS-CBN at Lingkod Kapamilya kasama si Bernadette Sembrano at mas maagang Bandila kasama si Karen Davila sa DZMM.

Subalit gaano man sila kaabala, lagi nilang inaabangan ang Sabado at Linggo dahil sa programa.

“It’s my outlet or my venue for hard news interviews na hindi ko nagagawa sa iba kong programa. Rito ako nakapagtatanong talaga ng mga tanong ko sa mga isyu at balita,” ani Julius.

Tulad niya, oportunidad din ito para kay Zen na mas mahimay pa ang mga isyu, at sa bagong format, magagawa nila ito at marami pang iba para sa mga tagapakinig at manonood ng show.

“Kahit weekend, we promise them na patuloy namin silang bibigyan ng mga dapat nilang malaman na balita but at the same time we can offer them new segments na magbibigay sa kanila ng idea on how to spend time with family, how to relax, mga impormasyon sa iba pang mahalagang aspeto ng buhay.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *