Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

4 Chinese sa kidnapping ng kababayan pinalaya ng Pasay Police

ARESTADO ng mga tauhan ng Pasay City Police ang apat Chinese national nang dukutin at saktan ang isang kapwa Chinese na may mala­king utang sa kanila, sa loob ng isang hotel sa lungsod, iniulat ng Southern Police District (SPD) kahapon.

Kahapon, sinabi ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores,  wala na sa kanilang kus­todiya ang mga suspek na sina Wu Ping, 36; Wang Xin Nong, 31; Wie Wang, 34, at Wu Luo, 34, negosyantepawang Chinese nationals, ng Pinpin Street, Binondo, Manila.

Ayon sa opisyal, nitong Sabado sinam­pahan ng kaso sa Pasay Prosecutor’s Office ang apat Chinese, ngunit hindi lumutang ang biktimang si Xiao Jie, 25, isa pang Chinese national, cashier, at nanunuluyan sa 609 6th Floor Montesito Residential Resort, Brgy. 183, Pasay City, sa halip ay naghain ang kanyang abogado ng affidavit of desistance na nagsasabing hindi na siya magsa­sampa ng kaso laban sa apat na suspek.

Batay sa ulat ng SPD, hinuli ng mga awtoridad ang apat suspek sa Room 309 ng Hotel 101 sa EDSA Extension, Brgy. 76 sa Pasay City, dakong 1:00 ng madaling-araw nitong 29 Setyembre.

Ayon kay Flores, 28 Setyembre, dakong 8:00 pm nang personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang isang casino agent na si ZhinKun Guo, kaibigan ng bikti­ma, at humingi ng police assistance para sa pagsagip kay Jie na umano’y dinukot ng apat suspek at dinala sa naturang hotel bago nag-demand ng P470,000.

Sinasabing malaki ang umano’y pagkakau­tang ng biktima sa mga suspek kaya kinidnap siya at pinahirapan nang dalawang araw.

Agad nagsagawa ng operasyon ang Pasay Police kaya agad na naaresto ang apat Chinese national.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …