Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
43rd Chess Olympiad
43rd Chess Olympiad

PH women’s chess team vs Spain

MATAPOS makapag­pahinga nitong Sabado ay nais ng Philippines’ women’s chess team na mai­pagpatuloy ang kanilang pananalasa kon­tra sa Spain sa sixth round ng 43rd Chess Olympiad Linggo ng gabi sa Sports Place sa Batumi, Georgia.

Ang 43rd seed Philip­pines ay galing sa 2-2 draw kontra sa 25th seed England nitong Biyernes ng gabi.

Sina Woman Fide Master Shania Mae Men­doza (Elo 2113) at Woman International Master Bernadette Galas (2080) ang nagtala ng kambal na panalo kontra kina Woman Fide Master Louise Head (2161) at Woman International Master Sue Maroroa (2112) sa boards three at four, ayon sa pagkakasunod.

Hindi naman pinalad sina Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna (2287) at Woman International Master Catherine Perena-Secopito (2157) matapos matalo kontra kina  Inter­national Master Jovanka Houska (2402) at Fide Master Akshaya Kalaiya­lahan (2253) sa boards one at two.

Ang country’s female squad na ang team captain ay si Grandmaster Jayson Gonzales ay may seven match points mula sa 13 game points, at umakyat sa 31st place.

Ang 15th ranked Spain ay galing naman sa pang­bobokya sa 45th ranked Brazil, 4-0.

Sa men’s division, natamo naman ng Philip­pines ang ika-3 sunod na kabiguan sa 1.5-2.5 na resulta sa kamay ng  No. 102 seed Lebanon, at lumagapak sa 101st place.

Bigo si Grandmaster John Paul Gomez (2464) kay Fide Master Amro El Jawich (2276) sa board two maging si Fide Master Mari Joseph Logizesthai Turqueza (2360) sa board four. (M. Bernardino)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …