Sunday , December 22 2024
Victor Neri Iglesia Ni Cristo INC Hapi Ang Buhay
Victor Neri Iglesia Ni Cristo INC Hapi Ang Buhay

Victor, isang taong pinag-isipan ang paglipat sa INC

HALOS dalawang taon ng miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Victor Neri.

Bakit siya nagdesisyon na mag-iba na relihiyon mula sa pagiging Katoliko?

“Well, mas ano siya, mas klaro…

“I understood ‘yung mga teaching. Why we need to go to service, why we need to pray or why we need to live like Christians. Mas na-explain doon eh, kasi noong…karamihan naman sa atin we all woke up, pagmulat natin Katoliko na tayo eh, ‘di ba?

“Hindi naman tayo pinapili eh, ‘di ba? Hindi naman ipinaintindi sa atin bakit, eh. So, minsan pa tinatakot…’di ba laging sapilitan pa tayo i-drag out sa kama para magsimba, mga ganoon.

“Ito kasi ‘pag nadaanan mo na ‘yung doktrina nila, puwede ka namang magtanong, tanong ako ng tanong doon eh, ‘Hindi, ano ‘yun?’…”

Wala ba siyang nakuhang sagot dati?

“Oo, at saka sa kanila ‘yung mga hindi natin nakasanayan, ‘yung mga kung paano ang… kumbaga ‘yung ways, tinanong ko, eh may sagot eh, ‘di ba, it was… all their actions had an answer in the Bible, eh.”

Wala namang malungkot o life-changing na pangyayari sa buhay niya kaya siya nagdesisyon na maging INC.

“Hindi na kasi ako nagsisimba ng ano eh…”

Non-practicing Catholic na siya rati.

“Wala lang, eh kasi parang…parang bakit ako mangungumpisal? Saan nangungumpisal ‘yung pari? Eh, ‘di ba tao rin naman sila, ‘di ba? Wala naman sa Biblia ang confession, bakit ko ginagawa? Eh, ‘di ba ang sinabi sa atin is live by the Bible? So why am I doing this, ‘di ba?”

May mga kaibigan siya na nagyaya sa kanya na maging INC member.

“’Yung nakita niya lang ako, ‘Gusto mong mag-attend?’

“Eh sabi ko I have time, why not, so ‘yun.”

May iba na kaya nagpapalit ng relihiyon ay may mabigat na pinagdaanan o may nangyaring trahedya.

“Hindi, no, no. Kasi matagal na akong naghahanap, kasi nga non-practicing Catholic na ako, eh. Tapos pinasok ko na rin ‘yung Christian, ‘yung iba-ibang grupo, tiningnan ko na rin.”

Wala ring nakita agad si Victor.

“Wala pa, tumira pa nga akong Hong Kong, nag-Buddhist din, sinubukan ko, hindi pa rin.”

Nag-Buddhist din pala siya.

“Oo, tiningnan ko. May mga kaibigan ako…’you want to…’, marami akong nasubukan.”

Wala pa rin siyang nakuhang sagot?

“Walang sagot.”

At ngayong INC member na siya.

“May sagot, may sagot. Tapos komportable.”

Ano ang sagot na nakuha mo?

“Kung paano tayo mabuhay, bakit tayo nabubuhay, ‘yung purpose natin, and how we should live, but only live through the Bible.”

June 2016 nagpa-convert si Victor. Siya lamang at hindi ang kanyang pamilya.

Gaganap si Victor bilang si Victor sa Hapi Ang Buhay The Musical.

Produced ng EBC Films (ng INC), ang pelikulang Hapi Ang Buhay ay sa direksiyon ni Carlo Cuevas na siya ring direktor ng Guerrero na nanalong Best Feature Comedy Film sa Amsterdam International Film Festival 2018.

Ginanap ang red carpet premiere ng pelikula nitong Biyernes, September 21, sa Cinema 3 ng SM Megamall.

Bukod kay Victor, nasa pelikula rin sina Antonio Aquitania, Genesis Gomez, Mike Magat at marami pang iba.

May run ito buong Linggo sa New Era University at to be announced ang commercial run sa mga sinehan.

Sa simula ay hindi naging pabor ang ibang kapamilya ni Victor sa pagpapalit niya ng relihiyon.

“Siyempre lahat… siyempre lahat naman tayo may ano, pero ‘yung mga relatives lang ‘yung mga nagtanong, pero ‘yung mga kapatid ko sabi nila, ‘Kaysa mabuhay kamg walang religion, mabuti na kaming…’”

Halos isang taon niyang pinag-isipan ang paglipat sa INC.

Gaano kahirap gawin ang ganitong life-changing decision?

“Kasi pasasambahin ka naman eh, tapos puwede ka naman mag-attend, puwedeng hindi ka bumalik, pero…”

May process pala talaga.

“Oo, maano talaga, hindi ka lang na, ‘Puwede lang?,’ hindi ganoon ‘yun. So, when you become a member, because you want, walang naging member dito na hindi nila…kasi ‘pag hindi mo nga naiintindihan hindi ka nila..’Wag, wag’, hindi mo nga naiintindihan.”

Masasabi ni Victor na “ito na talaga.”

“Ito na ‘yung nakapagpalinaw ng pananaw ko sa buhay eh, so I’m already sure, and this is the only, para sa akin. At saka ito na ‘yun, ito na ‘yung only daan kumbaga.

“Ito lang ang daan para sa akin, lahat naman tayo mayroon.”

At taliwas sa inaakala ng iba (na hindi INC member), hindi totoo na may certain amount na kailangang i-donate o ialay kapag may samba sila.

“Hindi! Parang sa atin din…parang sa Catholic, kung ano gusto mo. Tinanong ko rin ‘yan, ‘totoo ba ‘to?’

“Kung ano ang…kumbaga ang sinasabi kung ano ang loob mo, kusang-loob lang.

“Kung five pesos, five pesos, kung one peso, one peso.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *