MARAMING eksenang nakapag-iinit at kaabang-abang ang pelikulang Wild and Free na tinatampukan nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez. Teaser pa lang ng sexy-romance movie nina Derrick at Sanya ay matindi na agad ang patikim sa mga nakakikiliting eksena ng mga bida rito.
Sa presscon nito ay natanong si Derrick kung sa palagay niya ay magaling si Sanya bilang lover, considering aminado ang magandang aktres na member siya ng club NSSB or No Boyfriend Since Birth.
“Siguro si Sanya is really good in bed, or magaling lang talaga siyang artista. Pero I think she is,” saad ng actor.
Dahil nga aminadong virgin pa, inusisa rin ang 22 years old na aktres kung paano niya nagawang realistic ang mga maiinit nilang love scene rito ni Derrrick?
“Kailangan you do it with love. That’s exciting, that’s sexy, wild and free,” aniya.
Wika ni Sanya, “Maybe I am sensual by nature. Although we had some workshops before we started. I admit that I am still a virgin. But to act realistically on my character, I have to learn this from watching videos that can arouse my sensuality.”
Pero bukod sa kaseksihan ng dalawang Kapuso stars, mas kaabang-abang ang maiinit na love scenes rito nina Sanya at Derrick, kabilang ang lampungan nila sa loob ng kotse! ”Mahirap ‘yung scene, kasi masikip sa loob ng car. Pero inihanda ko na ang sarili ko rito, gustong- gusto ko ‘yung natututo ako and nag-i-improve.
”Okay ako kay Derrick kahit anong gawin at pag-usapan namin. Kahit dirty talks I can discuss with him because we are both naughty, we are both wild and free. Matagal na kaming magkakilala at mas nagkakilala pa kami.”
Hatid ng Regal Entertainment, nagpasilip ng kanyang alindog at kaseksihan dito si Sanya at hindi naman nagpahuli si Derrick sa kanyang magandang katawan at abs.
Ang Wild and Free ay mula sa pamamahala ni Direk Connie Macatuno at showing na ito sa October 10.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio