Wednesday , December 25 2024

Popularidad ni Digong hindi lang bumababa, unti-unting nawawala

BUMABABA at unti-unting nawawala umano ang popularidad ni Pangulong Digong Duterte pagpasok ng taon 2018 ayon sa ilang political expert at political analyst.

Huling napansin ito ng anibersaryo ng martial law na sinabi ng Pangulo na may balak agawin ang kanyang kapangyarihan sa mismong araw ng nasabing okasyon. ‘Di natin alam kung ano ang naging basehan niya sa kanyang pahayag.

Noong araw na iyon ay may sariling pro­gramang ginanap sa Quirino Grandstand ang mga pro-Duterte at ang kanyang mga taga­suporta na tila ilan-ilan lang ang dumalo. Halos mabibilang lang sa kamay ang mga nag-punta bagama’t maraming celebrities at artista ang nagtanghal.

Taliwas ito at malayong-malayo kung ikokompara sa kanyang unang taon sa liderato na sobrang napansin ng mga mamamayan. Mas mabuti pa anila noong nangangampanya pa lang siya sa pagka-pangulo, dagsa at ‘di-magmaliw sa dami ang mga dumadalo sa lahat ng okasyon ng kanyang partido.

Ibang-iba ang kanyang karisma, ang kanyang dating at popularidad noong una  kung ikokompara ngayon na parang hindi na siya pinapakinggan ng bayan. Ang tanging nakikinig na lang umano sa kanya ay Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Rason at sanhi anila ng pagbaba ng kanyang popularidad ang sunod-sunod na problema ng bayan mula sa inflation, isyu sa West Philippine Sea, rice shortage at human rights violation partikular ang extrajudicial killings.

Ang problema sa droga na kanyang unang kinasusuklaman ay nananatili pa ring problema. Ilang libong mga tao ang namatay at napatay sa kanyang all-out-war against illegal drugs na parang lalo pang lumalala.

Mantakin ninyo ang mga dumarating na shabu sa ating bansa, dagsa-dagsa, tone-tonelada na kalimitan ay sa Bureau of Customs pa dumaraan. Halos walang nangyari sa lahat ng kanyang ipinangako na masusugpo ito within six months. Kunsabagay, promises are made to be broken. Pinangakuan na nga kayo e gusto n’yo tuparin pa?! He he he…

Ipinagpapalagay rin ng mga eksperto na hindi tama ang chemistry ng Pangulo at ilan sa kanyang Gabinete na kasalukuyang nakaupo. Parang hindi angkop at tila hindi sila magkaroskas, hindi sila one-two punch for the kill.

Ang magandang halimbawa raw nito ay kanyang Spokesperson na si Harry “Potter” Roque na tanyag na human rights advocate pero ngayon ay tila isang human rights violation tolerator…he he he.

Mantakin ninyo ang mahikang ginagawa ni Harry, lahat ng binitiwang salita ng Pangulo ay pipilitin niyang interpretahin upang maging deretso at tama. Siya ang nagmamaniobra, itinutuwid ang baluktot upang palusutin sa isipan ng mamamayan, mahirap iyon ha!

Isa pa daw si Mocha ‘ilusyon’ este Uson. Hindi naman daw sa hinuhusgahan o minamaliit, wala na naman siyang dapat gawin kundi ang manatili at manahimik. Huwag na niyang sakyan ang lahat ng isyu. Kunsabagay, she’s the famous hitchhiker in town kaya nga riyan siya nakilala.

Ang pinakamatindi raw sa lahat ng problema ang ayudang ibinigay niya sa PNP. Too much blessings at tila may ‘Blanket Authority’ na siya ang sumasalo dahil galing naman daw sa kanya ang utos… mahirap daw baliin ang utos ng Hari.

Sobrang kapangyarihan na ultimo panini­garilyo at pag-istambay ay ipinababawal, walang balakid sa kanila, maski ano pa ang iyong ginagawa, puwedeng maging kasalanan sa kanila.

Mas mukhang martial law daw ngayon kaysa  noong panahon ni Apo Makoy. Dati-rati ay nakaiinom ka sa mga bar anomang okasyon, nakakakanta , nakaka-sigarilyo, nakakatambay kaya lang nga ay hanggang alas-12 lang dahil may curfew.

E kaysa naman ngayon, lahat bawal, ultimo pagkanta o videoke hanggang alas-diyes lang. Walang sabi-sabi dadamputin ka, ‘di gaya noong araw alam mong hanggang alas-12 lang. Ang kulang na lang sa panahon ngayon ay pagsa­bihan nila ang publiko na bawal lumabas ng kani-kanilang bahay.

Para bang imina-mind-set at mind-conditioning tayo para sa susunod na kabanata ay hindi na tayo mahihirapan pang tanggapin kung ano ang sususnod na kabanata at pareho nating ‘di pa alam… kung kaya’t maging alerto, mapagmasid… matanglawin…he he he.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *