BINALAAN ni Rep. Jericho Nograles ng party-list Pwersa ng Bayaning Atleta ang mga opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sumunod sa batas o humarap sa kasong graft kung hindi mapipigilan ang pagbiyahe ng 21,000 kolorum na sasakyan sa ilalim ng Grab.
Sa pagdinig ng Committee on Transportation, binalaan ni Nograles ang LTFRB na ang patuloy na pag biyahe ng 21,000 units ng “colorum” vehicles sa ilalim ng Grab ay malinaw na pumapabor sa isang kompanya laban sa iba.
Ani Nograles, tinangap na ng Grab na tinatayang may 42,000 sasakyang bumibiyahe sa ilalim ng operasyon nila, ang mahigit 21,000 ay “colorum.”
“Dura lex, sed lex. The law is harsh, but it is the law. As a Regulatory and Quasi-Judicial body, the LTFRB is expected to follow and implement the law without bias,” pahayag ni Nograles. Aniya, kung ang LTFRB at ang mga transport network companies (TNCs) ay hindi sumusunod sa batas paano naman aasahan ang Kamara na pumayag na pahintulutan ang hiling ng TNCs na sila ang mag- regulate sa hanay nila.
Ipinanukala ni Nograles ang mga sumusunod:
1) Ang pasahe sa Grab at iba pang TNCs ay dapat aprobado ng LTFRB; 2) Ang computation ng pasahe ay ipaalam sa mga driver at pasahero; 3) Ang TNCs ay dapat sumunod sa iniuutos na discounts para sa Senior Citizens, PWDs, Students, etc.; 4) Ang mga promos ay dapat nakarehistro at aprobado ng DTI.
Ani Nograles ang hindi susunod sa mga batas ay sususpendehin.
(Gerry Baldo)