PANAHON na talaga para sibakin na sa kanyang puwesto bilang PCOO Asec si Mocha Uson makaraang ang latest niyang “pinagtripan” (kasama ang baklang balahurang blogger na si Drew Olivar) ang mga PWD o Persons with Disability.
Yaman din lang na kapal na ng fez ang ipinaiiral ni Mocha sa pananatili sa posisyon niya, let the persons concerned ang gumawa na ng agarang desisyon para sipain siya.
Ironic dahil may kinalaman pa mandin sa impormasyon ang tanggapang kinabibilangan ng hitad, pero hindi alam ni Mocha na ang ginawa nilang pambabastos ay paglabag sa Republic Act 9442 o Magna Carta na nagsusulong ng mga karapatan ng may kapansanan?
Oo nga’t wala namang direktang partisipasyon si Mocha, but the fact na ikinatuwa’t aliw na aliw pa siya sa ginawang sign language (na hinaluan ng kabastusan) ni Drew ay malinaw na pangungunsinti sa isang maling gawain.
The height of insensitivity ‘yon sa kapwa tao mo na may pinagdaraanan na nga sa buhay ay nakuha mo pang bastusin!
Talagang nagkakalat lang talaga ng kahihiyan si Mocha. Hindi siya nakatutulong pagandahin ang imahe ng kasalukuyang liderato na batbat ng kaliwa’t kanang batikos mula sa madlang pipol who are not necessarily identified with the Dilawan.
Ewan kung hanggang saan ang pasensiya ng gobyerno na tila deadma lang sa lahat ng mga kabalahuraang pinaggagagawa ni Mocha.
Patalsikin na kasi ang Pambansang Katsipan na ito, ‘no! Now na!
(RONNIE CARRASCO III )