MAGTUTUNGO ang country’s youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe Murillo Racasa sa Europa na magtatangka para ma-improve ang kanyang world ranking bukod sa muling pagdala ng karangalan at titulo para sa bansa.
Kasama ang kanyang ama at coach na si Roberto Racasa na International Memory champion ay masisilayan si Antonella Berthe sa World Cadets Chess Championships mula Nobyembre 3 hanggang 16, 2018 sa Santiago de Compostela, Galicia, Spain.
Ang 11-years old at grade 5 pupil mula Homeschool Global ang nagkampeon sa 19th Asean International Age Group Chess Championships nitong Hunyo 2018 sa Davao City.
Nakopo ni Berthe ang gold medal sa standard competition kasama ang coveted Woman Fide Master (WFM) title sa kanyang effort.
Si Berthe ay itinanghal na country’s Woman Fide Master (WFM) sa edad na 11.
Siya rin ang nagreyna sa Asean Chess Master title International Age Group Chess Championships sa Kuantan Malaysia sa edad na 10 at National Age Group Girls Under 10 Champion sa Cebu City sa edad na 9.
Si Racasa na residente ng Mandaluyong City ay suportado ang kanyang Europe campaign nina National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman and President Deputy Speaker Prospero Pichay Jr., former Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, Mayor Menchie Abalos, councilor Charisse Marie Abalos-Vargas, Herminio “Hermie” Esguerra of Herma Group of Companies, sportsman Reli de Leon, Rotary Club of Pasig thru Eng’r Rogelio Lim, Dr. Jess Acantillado at Philippine Executive Chess Association (PECA) President lawyer Cliburn Anthony A. Orbe. (Marlon Bernardino)