Tuesday , November 5 2024

Abuso sa kapangyarihan

“Hoodlum in robe.”

Ganito ang mga hukom na nang-aabuso ng kanilang kapangyarihan para sa pansarili nilang interes. Dapat walang puwang sa ating mga korte ang mga ganitong tagapamahala ng hustisya sa ating bansa. Pero mas nakararami pa rin ang matitinong hukom kaysa mga bulok.

Makaraan ang mahigit isang taon na pagtigil sa proseso ng bidding para sa P10.9-bilyong proyekto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa temporary restraining order (TRO) at writ of injunction, tinuldukan na kamakailan ng Korte Suprema ang usapin pabor sa ahensiya ng kawanggawa.

Kung hindi lang na-TRO hanggang sa na-injunction ang proyektong Nationwide Online Lottery System (NOLS) ng PCSO noong nakaraang taon ay gumagana na ito sa kasalukuyan at malamang nakikita na sana ang mas umunlad pang pagkalap ng pondo para sa mga programang pangkalusugan at serbisyong kawanggawa ng gobyerno. Ang mga balakid ay mula sa Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 143 na pumabor sa Philippine Gaming and Management Corp. (PGMC), ang Lotto online system provider ng PCSO para sa Luzon, na nagsasabing may exklusibong karapatan umano siya bilang provider sa lotto online system ng PCSO para sa Luzon.

Dahil sa TRO at injunction umabot pa sa International Chamber of Commerce-International Court of Arbitration (ICC-ICA) ang gusot na ang ending ay ibinasura din ang reklamo ng PGMC.

Pero eto nga, sa promulgasyon ng 3rd Division ng Korte Suprema noong 15 Agosto 2018, tinawag na “grave abuse of discretion” o pag-abuso sa kapangyarihan ang ginawa ng nasabing RTC. Ibinasura nito ang kaso laban sa PCSO.

Kung may pag-abuso sa proseso ng hustisya, dapat may managot sa batas dahil interes ng mamamayang Filipino ang naagrabyado. Hintayin natin ang aksiyon dito ng Korte Suprema laban sa umabuso ng kanyang kapangyarihan.

Sa NOLS pag-iisahin ang operasyon ng lottery online system ng PCSO. At kauna-unahan ito na isasailalim sa public bidding ang kontrata mula noong 1995 na nararapat lamang sang-ayon sa batas. Hindi naman puwedeng magpasawalanghanggan ang kontrata o “wan-to-sawa” o forever. Sa mahigit dalawang dekada, hawak ng PGMC ang Luzon pero napaso ang kanyang kontrata nitong nakaraang buwan (Agosto) at malas niya dahil sinabayan pa ng pagkatalo sa mga kaso. Dahil dito, pinalawig ng PCSO nang isang taon ang kontrata ng Pacific Online System Corp. (POSC) habang ginagawa ang bidding at paghahanda sa implementasyon ng NOLS na malamang sa 2nd quarter ng susunod na taon.

Ang POSC ang system provider para sa Visayas-Mindanao at kasama na ang Luzon. Napaso ang kanyang kontrata noong nakaraang Hulyo ng kasalukuyang taon.

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

About Florante Solmerin

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Umaasa ng tama mula kay Marcos

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. Siguradong tatanggalin na ng PAGASA ang Kristine sa inuulit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Epic meltdown

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “WHO can stand before jealousy?” sabi sa Proverbs. “Wrath …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QC VM Sotto, kinilalang Asia’s Most Outstanding Public Servant

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG pinagpala ang milyong QCitizens sa mga lider ng Quezon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *