Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta KC Concepcion Pierre Plassant
Sharon Cuneta KC Concepcion Pierre Plassant

Relasyong KC Concepcion at Pierre, posibleng diretso na sa simbahan

SA ilang araw na pamamalagi ni KC Concepcion sa Paris kasama ang boyfriend niyang French filmmaker na si Pierre Emmanuel Plassart at dinala na siya sa 600-year old house nila na nakasama ng dalaga ang pamilya ng binata maliban sa kapatid nitong babae na nasa ibang bansa, si Melanie Plassart dahil sinabihan siya ng, ‘miss you’ ay hindi imposibleng sa simbahan na ang tuloy ng dalawang magsing-irog.

Ang caption ng dalaga, ”I’ve never felt so at home in a 600-year old house until now. A house, no matter how big or how old, how small or how new, becomes a HOME when filled with love, laughter, family get togethers, conversations, jokes, home cooked meals, great wine, & just happy memories all around. Don’t you agree?

“Above all, love each other deeply, because love covers over a multitude of sins.” ~ 1 Peter 4:8 Miss you  @melanieplassart #MakingMemories #France #Countryside.” 

At sa mga IG post ni Kristina Concepcion ay enjoy na enjoy siya sa sariwang hangin habang nakaupo siyang nagkakape at nagbabasa sa balkonahe ng malawak na bahay ng mga Plassart.

Ang caption ni KC, ”Mornings like these are as smooth as silk. Reading time, coffee time, cool breeze & sunshine- my everyday #morninggoals #MyNespressoMoment  #NespressoPH #France #Countryside.”

Cute ang litratong hinalikan sa pisngi ni KC ni Pierre na huminto muna habang namamasyal sa gubat kasama ang alagang asong Japanese Spitz na si Otis.

“Hey you came back to me, unexpectedly, this is crazy,” sabi ng dalaga.

Hmm, kailan kaya uuwi ng Pilipinas si KC dahil maraming naghihintay sa kanya para tanungin kung ano na ang plano nila ni Pierre? Ang tanong, uuwi pa ba o susunod na sa Paris ang pamilya niya para sa big day?

Hindi ba dapat pumunta ng Pilipinas si Pierre para pormal nitong hingin ang permiso ng magulang ng dalaga na sina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan kasama ang mga kapatid at sa biological dad nitong si Gabby Concepcion?

Sana nga magkatuluyan na sina KC at Pierre.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …