Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dating na-link kay KC, love pa rin ang aktres

NAKANGITI at tumatawa ang isa sa na-link kay KC Concepcion nang tanungin siya ng kaibigan niya kung ano ang pakiramdam nito ngayong may boyfriend na ang dalaga.

“Hayun, tumatawa, nakangiti naman,” kaswal na sabi sa amin ng taong kaibigan ng lalaking na-link kay KC.

Hindi namin babanggitin kung sino ang lalaking na-link sa dalaga ni Sharon, pero sigurado kami na hanggang ngayon ay may pagmamahal pa rin siya kay KC at nabanggit niya ito minsan sa kanyang kaibigan na kung mayroon siyang gustong balikan sa mga naging girlfriend niya ay walang iba kundi si Kristina Cassandra Cuneta Pangilinan (yes legally adopted si KC ni Senator Kiko).

Nagulat kami nang marinig namin ito sa taong nagkuwento sa amin dahil hindi namin expected na maski wala na sila ni KC ay sobra pa rin niyang mahal.

Eh, sayang, sana noon pa niya binalikan, ang tagal na single kaya ni KC, eh, ngayon mukhang diretso na sa simbahan.  Sabi nga ng aktres, ”true love waits.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …