ATIN palang binibigyang babala ang publiko sa isang nagpapakilalang “Atty. Alyssa Tubban” na nambibiktima ng mga parokyano ng Bureau of Immigration (BI).
Madalas daw makapanggoyo ang Atty. Alyssa na ito at nanghihingi ng pera kapalit ang pag-aayos ng mga dokumento ng mga foreigner na nag-a-apply ng visa extension o student visa.
Sa katunayan, isang Indian national ang kamakailan lang ay naging biktima ng hunghang na immigration legal officer kuno at hiningian ng halagang P16,000 ang kaawa-awang Bombay at pagkatapos ay nai-blocked agad sa kanyang Facebook account!
With matching immigration ID pa raw si ate na may designation na Legal Officer.
WTF!
Fixer pala at hindi “officer!”
Dapat kasama rin sa gawing “officio” ng mga taga-Immigration intel divisions ang manghuli ng fixers at scammers sa BI bago pa man makapanggoyo muli ng kanyang bibiktimahin!
Kawawa rin naman ang isang talagang “legit” na si Atty. Henry Tubban na sa BI Legal Division din nakatalaga.
Pati pangalan niya ay kinakaladkad at sinisira dahil sa isang pekeng Atty. Alyssa na ‘yan!
So, sa madlang pipol na makatatransaksyon ni Atty. Alyssa “Pekingese” Tubban na ‘yan, mangyaring i-report po agad sa Immigration main office bago pa kayo mabiktima!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap