Monday , December 23 2024
Imee Marcos Entertainmaet Press
Imee Marcos Entertainmaet Press

Imee, nasa showbiz pa rin ang puso

NAGING paksa sa pakikipagkita ni Gov. Imee Marcos sa mga entertainment press na ginawa sa Max’s Quezon Avenue, ang pagkahilig nito sa showbiz. Mula noon hanggang ngayon kasi’y malapit sila ng kanyang inang si dating Unang Ginang Imelda Marcos sa entertainment press.

Madala napagkikita si Imee o si Unang Ginang Imelda sa mga showbiz function na ang pinakahuli ay ang 80th birthday ni Mother Lily Monteverde.

Ani Imee, nagsimula ang pagkahilig niya sa showbiz dahil sa Kabataang Barangay.

“In order to communicate sa mga kabataan is thru TV. Kasi kung hindi ka sa TV o sa sine lalabas, walang papansin sa iyo. Nakahiligan ko nga rin ang komiks at doon ako nahasa sa pagta-Tagalog,”panimula ni Imee.

“I entered ‘Kulit Bulilit’ at ‘Kaluskos Musmos’. Diyan nagsimula sina Herbert Bautista at Maricel Soriano. Riyan din nagsulat noon si Joey de Leon. At sa pamamagitan niyan, napalapit din ako sa mga kabataan. Doon na nagsimula ang pagso-showbiz ko,” kuwento ng gobernadora.

Natanong din si Gov. Imee kung sakaling isapelikula ang life story nito, sino sa mga artista ang nais niyang gumanap at maging leading man?

Natawa si Imee at sinabing, ”Naku, ang hirap namang isipin niyan. Talaga namang napakahirap isipin.”

Aniya, hindi siya interesadong isapelikula ang kanyang buhay dahil buhay pa siya. Pagbibiro nga niya,”Huwag muna, hindi pa ako patay, eh! Pero teka, sino nga ba sa mga artista ang kamukha ko? Ha, ha, ha!

“Sa leading man, siguro ‘yung tatlo kong anak.”

Aminado si Imee na enjoy siya sa showbiz pero hindi niya pinasok ang pagiging host sa TV bagamat may radio show siya.

“Ayaw ng mga network sa akin kasi Marcos ako hahaha,” humahalakhak na sagot nito.

Samantala, inihayag naman nito ang ukol sa paggawa nila ng Media Incentives Ordinance sa Ilocos.

“Mayroon kaming batas na kapag nag-shooting ka sa Ilocos dahil nga pagkalayo-layo, paano naman gaganahan ang producers to flew all the way there?, ang ginawa namin para maging location manager ng magsu-shoot sa Ilocos.

“Kumbaga, we will help them to expedite their permits kung maaari ilibre ang venue, maghahanap ng sponsors sa pagkain at hotel.

“Tinutulungan namin para lalabas kami sa teleserye, lalabas kami sa sine, ‘yun ang gusto namin. Parang isang way ito para na rin sa tourism ng Ilocos.

“Actually, dito nga nai-shoot ang ‘Araw Gabi,’ ‘Bagani.’ All of those were shot in Ilocos pati ‘yung ‘Walang Hanggan. Very happy kami about that na kahit paano naririnig ko na sila.

“Pati ‘yung ‘Goyo: Ang Batang Heneral’ sa Ilocos kinunan. It’s fun and magandang livelihood din kasi ito sa mga taga-Ilocos.”

Ani Imee, maraming taga-Ilocos ang nabigyang pagkakataon para makapagtrabaho tulad ng mga mangingisda at mananahi.

Alex, sobrang bilib sa pagdidirehe ni Fifth

Alex, sobrang bilib sa pagdidirehe ni Fifth

Klaudia, ‘di totoong naghihirap

Klaudia, ‘di totoong naghihirap

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *