Tuesday , November 5 2024
tofarm Milagros How Bibeth Orteza Joey Romero Maryo J delos Reyes

Commercial movies, mas tanggap ng publiko — Direk Romero

MASAYANG inihayag ni Direk Joey Romero, managing director ng ToFarm Film Festival noong Lunes na madaragdagan ang bilang ng mga sinehang magpapalabas sa mga pelikulang kahalok sa festival na magsisimula ngayong araw hanggang Setyembre 18.

Ang paghayag na ito’y isinagawa ni Direk Joey sa opening ceremonies noong Lunes na isinagawa sa Novotel at pinangunahan nina Dr. Milagros How, Executive Producer at ToFarm Chief Advocate at ni Direk Bibeth Orteza, Festival Director.

Ang mga pelikulang kalahok sa 3rd ToFarm Film Festival ay ipalalabas sa SM Megamall, SM Manila, Robinson’s Galleria, Trinoma, Greenbelt I, at Gateway gayundin sa Gaisano Davao at Robinson’s Legazpi.

Ang mga pelikulang kalahok sa 3rd ToFarm Filmfest ay ang 1957 ni Hubert Tibi. Isang historical drama na ukol sa struggle, hard work, at hope kahit pa ang sinasabing pag-asa ay mabilis na nawala. Pinagbibidahan ito nina Ronwaldo Martin, Richard Quan, Menggie Cobarrubias, kathe Bernales, Selina Grace Bouches, Joe Gruta, at Rolando Inocencio.

Kasama rin ang Alimuom ni Keith Sicat na pinagbibidahan naman nina Ina Feleo, Epy Quizon, Mon Confiado, Dido dela Paz, Kiko Matos, Elora Españo, at Karl Media. Ito’y ukol sa ipinagbawal na ang pagtatanim na hindi na alam ng mga kabataan ang ang mga gulay sa Bahay Kubo.

Tampok din ang Kauyagan ni Julienne Ilagan na pinagbibidahan nina Jefferson Bringas, Perry Dizon, at Bayang Barrios. Ito’y ukol sa pagtanggi ni Piyo na tanggapin ang responsibilidad ng isang nag-iisang anak ng Datu.

Bida naman sina Katrina Halili, Alex Medina, Carl Guevara, Kiko Matos, at Lui Manansala sa pelikulang Mga Anak ng Kamote na isinulat ni John Carlo Pacala at idinirehe ni Carlo Enciso Catu. Ukol naman ito sa pagre-regularized ng kamote bilang panlaban ng gobyerno sa illegal drugs.

Pinagbibidahan naman nina Pokwang, Joey Marquez, JM Salvado, Gilleth Sandico, at Jelson Bay ang pelikulang Sol Searching ni Roman Perez Jr., na ukol sa isang titser-magsasaka sa public school na walang pamilya, kamag-anak na nag-asikaso sa burol. Tanging ang kaibigan at estudyante ang sumaklolo.

Ukol naman sa isang Japanese immigrant farmer ang Tanabata’s Wife na pinagbibidahan nina Miyuki Kamimura, Maribeth Fanglayan, Kurt Alalag, Danilo Bulanay, Yoshisito Tsukasa, Brian Arda, at Lito Casaje na idinirehe nina Charlson Ong at Lito Casaje.

Gaganapin ang awards night sa Setyembre 15, sa Rizal Ballroom Makati Shangri-la.

Inihayag naman ni Dr. How na ang pagkilala para sa Feature Films at Best Short Films na kilala rin bilang Direk Maryo Awards ay ibibigay ng jury na binubuo nina Manet Dayrit, Jerrold Tarog. Sigrid Andrea Bernardo, Mel Chionglo, at Moiria Lang (para sa Feature Films) at sina Raymond Red, Cesar Hernando, at Rolando Tolentino (sa Short Films).

Aminado si Direk Joey na hindi pa rin tanggap ng publiko ang mga ganitong klase ng pelikula.

Aniya, “It’s the business eh, ganoon talaga. The audience need to be develop para masanay sa ganitong klaseng pelikula. Ang taste kasi ng audience mas geared into commercial types of movies, although mas mahal ‘yun. So you cannot spent a P100-M sa mga ganitong klaseng material na ginagawa natin.

“Film makers can be frustrating talaga with all the creativity na hindi nare-reward.”

Pero, umaasa si Direk Romero na magbabago rin ang nakasanayan na ng publiko. “Eventually (magbabago) pero all over the world naman eh, ‘yung mga Oscar materials madalas hindi kumikita.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea tinuligsa sa Halloween costume, post dinilete agad

MA at PAni Rommel Placente KONTROBERSIYAL na naman ngayon si Bea Alonzo. Ito’y matapos siyang mag-post …

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *