Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The Lost Sheep
The Lost Sheep

Ced, sa ipinagbuntis ni Katherine — Hindi po ako ang ama!

“Grabe! Grabe kayo! Hindi po! Hindi po ako!” Giit ni Ced Torrecarion, isa sa bida ng The Lost Sheep nang tanungin namin ito ukol sa kung siya ba ang ama ng anak ni Katherine Luna.

Matatandaang napa­tunayang hindi si Coco Martin ang ama ng ipinagbuntis noon ni Katherine at may nakapagsabing naugnay din si Ced sa aktres.

Sa presscon ng musical play na The Lost Sheep, inamin ni Ced na nag-date rin sila noon ni Katherine sa loob ng tatlong buwan pero iginiit na imposibleng siya ang nakabuntis.

Aniya, isa lang ang anak niya sa isang non-showbiz girlfriend

Gaganap si Ced bilang Jesus Christ sa The Lost Sheep, na mapapanood sa Oktubre 27, 4:00 p.m. at 7:00 p.m. sa Star Theater, CCP Complex.

Kasama rin sa cast  sina Lovely Rivero na gaganap bilang Mary, Pastor Reuben Aslor, ang atheist, at Jeffrey Santos, si Peter.

Samantala, inendoso nina Manila Mayor Joseph Estrada, Diocese ng Baguio, at Baguio Cong. Mark Go ang The Lost Sheep, isang live Musical Play na nagtatampok sa mga miracle at parable ni Jesus Christ bilang medium to refute arguments now afflicting Christians about the existence of God.

Ito’y isang modern day atheist soldier na humarap kay Jesus ukol sa existence at love ng Diyos. Pinagmulan ito ng isang argumento. Kasama si Jesus at mga desipulo, pasinungalingan nila ang paniniwala ng atheist sa pamamagitan ng parables at mirales na naging daan para ma-convert ang atheist.

Ipinakita ito sa mga sayaw at dance numbers, isang multi-level stage, na mayroong special lights at other effects na nakadagdag sa magandang musical presentation. Pawang mga orihinal na music, costume, props, at different treatments ng bawat parable at miracles ang ginawa para mas maunawaan ng mga manonood.

Unang ipinalabas ito sa Baguio Convention Center na naging matagumpay.

Ayon nga kay Jon Achaval, director, naniniwala silang kailangang mapanood ang The Lost Sheep ng mga taga-Maynila.

Sinabi naman ng Executive Producer nilang si Lee Ann Lazaro Achavel, target audience nila ang general public tulad ng mula sa mga eskuwelahan at religious organizations.

Aniya ang kikitain ng kanilang play ay para sa Gawad Kalinga.

Ang tiket ay nagkakahalaga ng P800, P500, P300, at P200 para sa matinee show; at P1,200, P750, at P350 sa evening show. Para sa ibang katanungan, tumawag sa 8796984; 09176203029; 09985365513.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …