Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Tres 72 Hours Virgo Amats Imus Productions
Jolo Revilla Bryan Revilla Luigi Revilla Tres 72 Hours Virgo Amats Imus Productions

Jolo, na-pressure sa paggawa ng action movie

AMINADO si Jolo Revilla na may pressure sa parte niya sa paggawa ng pelikula lalo’t isang action film na tulad ng Tres, isa sa trilogy sa 72 Hours na handog ng Imus Productions at mapapanood na sa Oktubre 3.

Dagdag pa sa pressure na kilala ang ama niyang si Bong Revilla sa paggawa ng action movie.

Ani Jolo, ”hindi lang sa dad ko (may pressure) pati na rin sa lolo ko (Ramon Revilla Sr.) dahil icon na, hindi lang legend na pagdating sa action films. Kumbaga kailangan naming ipakita kung ano ‘yung pinanggalingan ng lahi namin bilang isang Revilla.”

Hindi itinanggi ni Jolo na pinaghandaan nilang magkakapatid—Bryan at Luigi ang mga action scene na mapapanood sa 72 Hours.

“Hindi lanag naman kasi siya intense (action scene). Basta pinaghirapan namin lahat.”

Natanong si Jolo kung sino sa kanilang magkakapatid ang posibleng sumunod sa yapak ng daddy Bong nila?

“Kahit sino sa amin sobrang saya na namin. Ginagawa namin ito hindi lang para sa amin. Gusto naming maibalik ang action films kasi talaga  namang masasabi namin, sinimulan ng ‘Buybust’ (Anne Curtis) sinundan ng movie ni Erich (Gonzales), kaya masasabi nating kaunting push pa para maibalik ang action movie.

“We’re trying our best na maibalik ang action movies. And of course andiyan din ‘yung ‘Ang Probinsyano’ ni Coco (Martin) kaya maganda na maibalik talaga natin kasi walang masyadong gumagawa ng action movies.”

At nang tanungin kung tuloy-tuloy nang gagawa ng action movies si Jolo, sagot ng batang actor, ”It depends kung mabibigyan tayo ng chance at ng pagkakataon.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Kylie, may gustong patunayan
Kylie, may gustong patunayan
Cardo Dalisay at Victor Magtanggol, may kakampi sa pagliligtas sa mga naaapi
Cardo Dalisay at Victor Magtanggol, may kakampi sa pagliligtas sa mga naaapi
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …