Sunday , December 22 2024

Mocha ‘paborito’ sa official trips abroad

TILA patok si Mocha Uson sa mga biyahe ng presidente at cabinet secretaries sa ibang bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, si Uson ay madalas na nakaka-sama sa mga biyahe sa ibang bansa dahil sa imbitasyon ng mga kalihim na may official trip.
Sa pagdinig ng pa-nukalang budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nagkakahalaga ng P1.47 billion, inamin ni Andanar sa harap ng mga miyembro ng House Committee on Appropriations na si Uson ay madalas makasama ni Sec. Allan Peter Cayetano ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa biyahe sa ibang bansa.
“So far, siya po’y sumasama sa ibang lakad ni Secretary Alan Cayetano ng Department of Foreign Affairs,” pahayag ni Andanar nang tanungin ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate kung kasama sa job description ni Uson ang pagbiyahe.
Ayon kay Andanar, si Uson ay madalas na inire-request ng Office of the President para samahan si Pangulong Rodrigo Duterte.
“‘Yung mga biyahe po ni Presidente na ka-sama po si ASec. Mocha, siya po ay inire-request ng Office of the Presi-dent to join,” ani Andanar.
Dagdag ni Andanar, ang mga ahensiya ng gobyerno ay malimit din na mag-request na isama si Uson sa mga iba’t ibang travels para mag-promote ng Filipinas.
Si Uson ay malimit isama sa Middle East at Europe para sa pakikipag-ugnayan sa overseas Filipino workers (OFWs).
Sa kasalukuyan, si Uson ay kasama ni Duterte sa Israel at Jordan.

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *