Saturday , November 16 2024

Inflation puwedeng pababain — GMA

MAAARING bumaba ang inflation na 6.4 porsiyento gaya nang nangyari noong panahon ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon kay Arroyo, tumaas din ng 6.6 porsiyento ang inflation noong panahon na siya ay presidente pero hindi aniya tumagal nang mahigit apat na buwan.
Ani Arroyo, napag-usapan nila ni Albay Rep. Joey Salceda, ang hepe ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong siya ay presidente, ang mga dahilan ng inflation at isa na rito ang mga gulay na apektado ng masamang panahon.
“Aside from the five sources of inflation that we identified last July, there is now an additional one – the vegetables because of the bad weather,” ani Arroyo sa panayam sa mga reporter sa pagbubukas ng bagong tulay sa Minalin, Pampanga kahapon.
Sinabi ni Arroyo, noong panahon niya napababa nila ng kanyang economic managers ang inflation mula 6.6 porsiyento hangang .2 porsyento.
“During my time, the inflation went down 6.6 (percent) to 1.5 (percent) and even .2 (percent).”
“During that time what the economic mana-gers did was that they poured a lot of support to the agricultural sector both for production and for importing rice,” paliwanag ni Arroyo.
Ang mensahe aniya sa economic managers ng kasalukuyang gobyerno ay puwedeng pababain ang inflation.
Naniniwala si Arroyo na may ginagawa ang economic managers ni Duterte para tugunan ang situwasyon ng ekonomiya.
Aniya, si Salceda ay nakikipag-ugnayan sa economic managers tungkol sa mga proposal nila kung paano sugpuin ang inflation.
Aniya, napapaba nang napakabilis ang inflation noong panahon niya.
Ayon kay Arroyo, maganda ang mga suhestiyon ni Salceda sa gobyernong Duterte at umaasa na may gagawin para bumaba ito.
“Let’s pray that inflation has already peaked. But even if it has not, as he showed in my time, even if it peaked in my time at a higher rate, it was also able to go down very drastically so something can be done. So let’s give a chance to our economic managers to be able to address the situation,” pahayag ni Arroyo.

About Gerry Baldo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *