Saturday , November 16 2024

5 kasunduan nilagdaan ng PH, Jordan

AMMAN – Limang kasunduan ang nilagdaan kahapon ng mga opisyal ng Filipinas at Jordan na lalong magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga kasunduan ang Memorandum of Understading (MOU) on Political Consultations, between the Ministry of Foreign Affairs and Expatriates of Jordan, and the Department of Foreign Affairs of the Philippines; MoU on Defence Coope-ration between the Jordan Armed Forces-Arab Army and the Department of National Defense of the Philippines; Agreement between the Jordan Maritime Commission and the Maritime Industry Authority of the Philippines concerning the Recognition of Certificates under the Terms of the 1978 STCW (Standards of Training Certification and Watch keeping for Seafarers) Convention; Cooperation Framework for Employment of Domestic Workers, and MoU on Labour Cooperation between Jordan and the Philippines at MoU between the Jordan Investment Commission and the Board of Investments of the Philippines.
Nauna rito,  ipinag-malaki ni Philippine Ambassador to Jordan Akmad Atlah Sakkam na may inaasahang lalagda-an na kasunduang magbibigay ng proteksiyon sa overseas Filipino workers partikular ang household workers sa Jordan.
Ayon kay Sakkam, matagal nang nagkaka-roon ng iba’t ibang kasunduan ang Filipinas at Jordan sa usapin ng paggawa o labor.
Sinabi ni Sakkam, mas maganda ang nilala-man nasabing kasunduan kabilang ang mga pribilehiyo na magkaroon ng karapatan ang mga OFW na mag-practice ng sariling relihiyon, pagkakaroon ng access sa internet at cellphone, magluto ng kanilang sariling pagkain, na wala sa ibang nabuong kasunduan ng Filipinas sa iba pang bansa.
Inilinaw ni Sakkam na mabubuting employer ang mga Jordanian at mas mababa ang kaso ng pang-aabuso sa mga OFW kompara sa iba pang bansa.
Bukas ay haharapin ni Pangulong Duterte ang Filipino Community dito na binubuo nang mahigit 30,000 migranteng manggagawa.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *