Wednesday , December 25 2024

Rice may shortage  shabu over supply

LALONG lumalala ang problema ng ating bansa.
Inflation, poverty, unemployment at nadagdagan pa ng rice shortage. Isang bagay na lang ang malaki ang improvement at over-supply… alam n’yo ba kung anong bagay ito mga katoto… e ‘di SHABU na pumapasok sa ating bansa, dagsa at by volume. Hindi gramo, hindi kilo kundi tone-tonelada, hindi rin ito by the hundreds, thousands, million kundi billion ang halaga sa street value.
Mantakin ninyo, pinoproblema natin ang kakulangan ng supply ng bigas e isa ang Filipinas sa ikinokonsiderang agricultural country, anyari?
Sa kabilang dako naman ay sobra-sobra at over-supply ang dating ng shabu na ‘di natin alam kung saan-saang bansa ito galing, ang sigurado lang ay imported ito.
Ipinapalagay na mayrong Memorandum Of Agreement (MOA)  ang mga supplier at consignees ng shabu sa ating bansa na kanilang pinirmahan without hesitation and thinking.
Kailangan ay ‘by the billion’ ang halaga at lowest 5 tonelada ang pinakamababang order.
He he he
Malaki rin ang posibilidad na nakasaad sa kanilang MOA na bawal silang ma-tokhang o asuntohin man lang, bukod-tanging mga user at pusher lang na piyait-piyait, mula P200 hanggang P500 lang ang pasok dito, pero kapag umabot na ng kilo o tonelada ang iyong hina-hawakan shabu ay bawal nang patayin at kasuhan.
Saksing buhay tayo sa nagiging kalakarang ito mga kababayan, hindi ba ? Kung mga P10,000 libong tao lang na nasa kategorya ng mga dagang-dingding na sangkot sa illegal na droga ay sumakabilang buhay na bunsod ng laban ng ating gobyerno laban sa illegal na droga.
Pero tanungin natin ang ating mga sarili, iyong katotohanan lang at sa totoo lang. Siguro naman ay kilala natin ang isa sa mga drug-lord na si Peter Lim, nasaan na kaya siya? Bukod kay Peter Lim, wala bang pinangalanan ang ating gobyerno.
Sino naman kaya ang nasa likod ng shipment ng tone-toneladang shabu sa BoC na hindi lang isa o dalawang beses nangyari kundi maraming, maraming beses na, Wa Pa tayong nakikilala sa kanila, maski na pahaging o clue man …
Wa-pa rin at mas lalong walang nangyari sa ginawang imbestigasyon ng Senado at ng kung sino-sinong Wa-Pa rin.
Tingnan naman natin ang isang bahagi ng buhay na ating tinatahak, iyong mga dagang-dingding na namatay at pinatay, kompleto detalye, k0mpleto address, parang RESUME.
Nanlaban, bulagta, ebidensiyang kapirasong plastic sachet at .38 caliber revolver, minsan granada pa…
He… he… he…
Wala na tayong dapat tanungin at huwag na rin tayong magtanungan. Mas praktikal pa siguro kung sa mga pagong o butanding tayo magtanong at makipag-usap dahil maski paano ay nangungusap ang mga mata niya at nagpapahiwatig kaysa iba riyan na mas masarap pang tumae kaysa tanungin at kausapin
He… he… he…
*****
CONGRATS to Tata Dennis Insierto for a well-deserved promotion. He is one of the original, legendary and an organic cop of the Manila Police District (MPD) who rose from the ranks, slowly but surely. Insierto was promoted to the rank of Police Senior Officer 4…
Kudos, more power  at mabuhay ka, Tata Dennis!

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *