Sunday , December 22 2024

Rep. Benitez umatras na sa Senado

UMATRAS na si Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez sa balak na pagtakbo sa senado sa 2019 midterm elections bilang kandidato ng PDP-Laban.
Ani Benitez, naniniwala siya na ang pagkabuo ng partido ay maisasakatuparan kung mabibigyan ng “free hand” ang liderato ng partido.
“I decided to forego the opportunity to run as a member of the PDP-Laban’s senatorial line up in next year’s elections because I believe that party solidarity can be better achieved if the leadership will be given a free hand to choose its candidates based on present legislative priorities and keeping in mind the seniority of other candidates,” ani Benitez.
Si Benitez, ang chairman ng House Committee on Housing and Urban Development, ay isa sa mga kongresista na gumanap ng malaking tungkulin sa pagpatalsik kay dating Speaker Pantaleon Alvarez at sa pagluluklok kay dating presidente at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo bilang speaker.
Si Alvarez ay lider ng PDP-Laban.
Ani Benitez, patuloy pa rin siyang mangangampanya at susuporta sa mga mapipiling kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nangako si Benitez magpapatuloy siya sa pagtulong sa “Visayan bloc” at sa mga lokal na pagkilos sa rehiyon.

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *