MALIWANAG naman ang gustong sabihin ni John Lloyd Cruz. Hindi man niya sinasabi ng diretsahan, maliwanag na gusto na niyang iwanan ang kanyang propesyon bilang isang actor. Ang sinasabi ngayon, nagsisimula na ring magpinta ni John Lloyd. Doon naman siguro niya gustong ibuhos ang kanyang talent. Lahat ginawa na nila, hindi siya napabalik sa showbusiness. Pinangatawanan niya ang kanyang desisyon na maging isang responsableng tatay. Aba eh mas maganda iyon.
Noong nag-aartista pa siya, ang sinasabi ay nakikita siyang lasing. Siguro ginagawa niya iyon dahil bored na siya. Ngayong wala na siya sa showbiz, hindi sinasabing naglalasing siya minsan man. Nakita siyang nakikipag-inuman pero hindi siya lasing. Nakitang kumakain siya ng balot sa kalye, eh ano nga ba?
HATAWAN
ni Ed de Leon