SORPRESANG ininspeksiyon nina Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at National Food Authority Administrator Jason Aquino ang walong NFA licensed grain warehouse sa Marilao, Bulacan.
Ayon kay NFA-Bulacan Provincial Manager Elvira Obana, kabilang sa mga ininspeksiyon ang Faerdig General Merchandise, Lom Marketing, Paracao General Merchandise, at Marilao General Merchandise.
Napag-alaman na pawang naglalaman ang mga bodega ng mga below normal rice stocks na karamihan ay malagkit o glutinous rice.
(MICKA BAUTISTA)