LAST Friday ilang NAIA personnel, concessionaires at stakeholders ang kumuha ng kanilang RFID (radio frequency identification). Last minute na ito. Naisip siguro nila na dahil last day na, kaunti na lang ang nakapila. Halos isang buwan nga namang lumarga ang proseso sa pagkuha ng RFID.
Ang RFID (radio frequency identification) ay isang uri ng wireless communication sa pamamagitan ng inkorporasyon ng electromagnetic o electrostatic sa radio frequency portion ng electromagnetic spectrum upang makilala o matukoy ang isang tao, hayop, o bagay.
Isang sistema ito ng teknolohiya na madalas gamitin sa iba’t ibang sistema ng transportasyon.
Sa airport, isa ito sa mga rekesitos para sa mga opisyal at empleyado ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nasa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa bagong access pass.
Ganoon din sa mga concessionaires, mga empleyado at opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA), LBPSC, kagawad g Philippine National Police (PNP) at AVSE Group, mga service providers gaya ng security agency, manpower agency, janitorial at maintenance crew; ground handlers at iba pang airlines’ officials and employees.
Ang siste, mali pala ang akala ng mga nag-11th hour para makakuha ng RFID. Wala kasing pagbabago. Mahaba pa rin ang pila na napakakupad pa ng usad. Pero ang higit na nakadedesmaya umano, napakainit sa lugar (kuwarto) na kanilang pinipilahan.
Doon ito sa dulo ng 3rd floor sa NAIA Terminal 1. Ito ‘yung lugar na mukhang hindi na ‘inaabot’ ng diyos. Kasi kakaiba na ang itsura dito. Mukhang bodega, kakaiba ang amoy at ‘yun nga, napakainit.
Marami sa mga nakapila ay maliliit na empleyado na kailangan pang pumasok sa trabaho, kaya siyempre hindi sila mapakali, kaya kapag alam nilang nasa dulo sila ng pila, aalis muna saka babalik na lang, kasi kailangan muna nilang mag-report at trabaho. ‘Yung iba naman, after work, kaya marami rin sa kanila ang inaabot ng rush hours.
Isang concessionaire, ang na-curious kung bakit napakahaba ng pila at napakakupad ng usad gayong hindi naman ganoon karami ang tao sa data capturing area.
Heto na, nang nakasalang na ‘yung concessionaire, nakita niya ang rason kung bakit napakahaba ng pila at napakakupad ng usad. Mayroong tatlong mesa, na may tig-iisang laptop, at tig-iisang tao or staff na siyang nag-o-operate nito.
Sa unang mesa ang data encoding; sa ikalawang mesa ang pagkuha ng retrato; sa ikatlong mesa ang signature o pirma.
Wattafak?!
Meaning, kahit na naka-laptop pa ‘yan, o high-tech ang sistema, pero one-on-one naman, e parang mano-mano pa rin ‘yan. Gaano karami ang mga personnel (libo-libo ‘yan), na ika-capture ang data? Bakit tig-iisang mesa lang sa bawat data capturing (data encoding, biometrics, at signature)?
Sino ba ang mapalad na service provider niyan!? Dumaan ba sa bidding-bidingan ‘este bidding ‘yan? Matatag bang kompanya ‘yan?!
E sa sistema ng operation nila, parang fly-by-night na service provider lang ‘yan.
Nampusa?!
Wala bang nakitang mas matino at mas mabilis kaysa CLARUSe Data Capturing System ang opisyal ng MIAA na nakaisip ng proyektong ito!?
Magkano ‘este ano ang credentials ng CLARUSe para i-award sa kanila ang milyon-milyong project na ito!?
Heto pa, mayroon pang nag-aalok ng insurance, na ang resibo ay DI-VES Foundation (Phils.) Inc.
Wattafak!
Kailan pa nagkaroon ng foundation na nag-o-operate ng insurance company sa isang data capturing service!? Mayroon na! Ngayon lang — ang DI-VES Foundation (Phils.) Inc.
Hello?!
And korek, hindi nga po na-meet ang target date kaya extended hanggang September 8, 2018 ang pagkuha ng RFID. Meaning extended nang one week.
Pero duda tayo na ma-meet nila ang kanilang deadline sa sistema ng CLARUSe na tatlong mesa at tatlong laptop lang ang ginagamit sa data capturing area.
Alam kaya ni MIAA GM Ed Monreal na ganyan kakupad at kamiserable ang trabaho ng CLARUSe!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap