PATAY ang isang opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) makaraan pagbabarilin sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ni Southern Police District director, C/Supt. Tomas Apolinario ang biktimang NBP official na si Inspector Romel Reyes.
Ayon sa ulat, pinatay si Reyes dakong 4:00 pm nitong Linggo habang nasa NBP Reservation sa Brgy. Poblacion sa Muntinlupa.
Ang hindi kilalang suspek na nakasuot ng puting helmet ay tumakas lulan ng motorsiklo.
Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at sinusuri ang CCTV footage sa erya.
HATAW News Team