WALANG kamalay-malay ang isang aktres na lihim pala siyang isinusumpa ng kinakasama ng kanyang kuya.
Lumalabas kasing hipag na hilaw ito ng aktres, pero ang loyalty niya ay nasa unang nakarelasyon ng kanyang nakatatandang kapatid.
Hirit ng aming source, ”Naku, kung alam lang ng aktres na kinamumuhian siya ng kanyang Sister-in-law kuno! Imagine, pati ba naman mga kaibigang showbiz reporter ng aktres, eh, imbiyerna rin ang hitad?”
Pero sadyang kumikilos ang karma. Kahit kasi ang kasalukuyang karelasyon ng kuya ng aktres ay nagbunga ng mga dyunakis, may ibang babae ang itinitibok ng puso ng syupatembang niya.
“Huwag siya feeling nanalo kung contest na matatawag ‘to, ‘no! Dahil kahit siya pa ang kinakasama ng kuya niya, eh, mayroon itong ibang labs!” pahabol na tsika ng aming source.
(Ronnie Carrasco III)