Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paulo Avelino Goyo: Ang Batang Heneral
Paulo Avelino Goyo: Ang Batang Heneral

Paulo, nabighani sa ganda ng istorya ni Goyo

IBANG klaseng gumawa ng pelikula ang TBA Studios, Artikulo Uno, at ngayon, kasama na ang GLOBE Studios. Of such magnitude. Napakalaki ng scope. Sa mga artista pa lang eh, malulula ka na.

Second installment na ang ihahatid nilang Goyo: Ang Batang Heneral na pagbibidahan ni Paulo Avelino. Ang kasaysayan ng Filipino-American war in the early 1900s.

Nagustuhan ng mga manonood ang pagpapalabas ng humane side ni Antonio Luna sa Heneral Luna noong 2015 na ginampanan ni John Arcilla. At sa Goyo. ang batang heneral ay magpapakita ng kanyang kabataan bilang isang tagasunod sa kanyang Pangulo. Kung ano ang mga naglaro sa kanyang isipan sa pagtupad sa tungkulin at sa pakikipaglaban sa mga prinsipyong kanyang niyakap.

Pati naman sa pagpapakilala ng kanilang mga manggaganap eh, laging tagumpay ang TBA. Halos lahat ay dumalo sa tila isang pa-piging ng mga producer.

Mula kay Paulo, nagkaroon ng pagkakataon ang press na makatalamitam sina Carlo Aquino, Arron Villaflor, Mon Confiado, Epy Quizon, Alvin Anson, Gwen Zamora, Che-Ramos Cosio, Rafa Siguion Reyna, Tomas Santos, Robert Sena, Jojit Lorenzo, Matt Evans, Benjamin Alves, Jason Dewey, at Direk Jerrold Tarog kasama ang executive producers na sina Quark Henares, E. A. Rocha, at Fernando Ortigas and Paulo.

Sa ginampanan niyang katauhan, na itinuturing na isang bayani, ayon kay Paulo, “Ang mga nadiskubre ko na hindi ko alam about Goyo eh, marami. Pero hindi naman malalaking mga bagay. Mga hindi natin nabasa o napag-usapan sa mga libro. Like sa physical side. Mayroon pala siyang golden tooth. May mga haka-haka na marami siyang mga babae na base sa mga sulat o pagpapalitan nila ng mga sulat ng mga napalapit sa kanya. Kaya, masasabing mapagmahal siya.

“And then, ‘yung sa death niya. Kung napatay ba siya while riding his horse. O nasa tabi lang ba siya ng bintana. Sunod-sunuran nga lang ba siya kay Presidente Aguinaldo? May pagka-vain ang character niya. Kailangan malinis ang uniporme niya. Well polished ang boots niya.

“After doing din my own researches for my character, reading stuff, there were things which sparked in me to do more research. Kasi marami pa pala akong hindi alam. How much of our history is not really taught. Made me more curious. Which gave me more love and more hope for the country. What was it that made something spark and ignite in them to serve the country in the way they did. Goyo was likened to an eagle.  Swift. Agresibo.”

Nasa mga sinehan na simula sa Setyembre 5 ang Goyo.

Masasagot ba natin ang tanong na akma sa panahong ito na, “Ano ba ang halaga ng isang bayani?”

HARD TALK!
ni Pilar Mateo


Joross, tinaguriang Hercules
Joross, tinaguriang Hercules
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …