Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pauline Mendoza

Pauline Mendoza, iniyakan ang pagdamay ng basher sa inang may cancer

NAKARAMI na rin ang young actress na si Pauline Mendoza ng TV series sa GMA-7 na na­ging parte siya. Pero nagmarka nang husto si Pau (nickname ni Pauline) sa Kambal Karibal.

Sa pagkakaroon niya ng pangalan, may kaakibat na mga basher rin ito. Sa panayam namin sa kanya, nabanggit ng Kapuso actress na ayaw na niyang pumatol sa mga bashers dahil ayaw niya ng negative vibes.

“Hindi na po tito, dine-dead­ma ko lang kasi ayaw ko po ng negative vibes na puma­pasok sa life ko. More on positive vibes po ako,” wika ni Pauline.

Pero, may instance ba na umiyak ka dahil sa isang issue o pagba-bash sa iyo sa social media?

Pag-amin ng aktres, “May­roon po, sinabihan kasi ako na mabuti nga raw na nagka-cancer ‘yung nanay ko, kaya napaiyak po ako.

“Iyon po talaga ang pinaka­grabe, kaya sinagot ko sila ng, ‘Hindi ninyo alam ang pinag­dadaanan namin kaya huwag nin­yong idamay ang family ko, lalo na ang nanay ko.’ Sabi ko, ‘Ako na lang, huwag na iyong nanay ko.’

“Masyado na po kasing below the belt kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at sinagot ko po talaga,” esplika ni Pau.

Ang mother ni Pauline ay may stage-3 breast cancer. Two years ago nang ma-diag­nose ang karamdaman ng ina ni Pau.

Inilinaw din ng 18-year old na aktres na wala siyang alam sa nangyaring intriga kina Bianca Umali, Kyline Alcantara, at Miguel Tanfelix. Kaya nagta­taka raw siya kung bakit nada­may ang pangalan niya sa issue sa tatlo.

“Nadamay lang po talaga ako dahil magkakasama kami sa Kambal Karibal, so wala naman silang ibang pagtatanungan. Basta po malinis ang konsen­siya ko, wala po akong gina­gawang masama at pareho ko po silang mga kaibigan.”

Dagdag ni Pau, “Sa totoo lang po, kapag magkakasama po kami nina Bianca at Kyline, nina Miguel, hindi po namin napag-uusapan, kami pong apat. Okay naman po kaming lahat ngayon.”

Anyway, sa kasipagan at sa kagustuhang puro positive vibes lang ang focus niya, sunod-sunod ang mga guesting ni Pau mula nang nagtapos ang serye nilang Kambal Karibal. Katatapos lang niya sa Wish Ko Lang, at mapapanood din si Pau sa AHA, MarsMaynila, at Imbestigador.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Blanktape, nominado as Novelty Artist of the Year sa Star Awards for Music

Blanktape, nominado as Novelty Artist of the Year sa Star Awards for Music

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …