WALA tayong masasabi sa pagiging general manager ng Manila Internationa Airport Authority (MIAA) ni GM Ed Monreal.
Lalo itong napatunayan nitong nakaraang mabalaho ang Xiamen Airline sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Hindi umalis si GM Monreal hangga’t hindi naiaahon ang nasabing eroplano.
Kasama niya rito ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ganoon din sa pagharap sa Senate hearing.
Pero ang ipinagtataka natin, nasaan ang terminal managers?!
Ano ang naitulong nila sa insidenteng kinaharap ng NAIA?!
Supposedly, sila ang humaharap at nagko-coordinate sa iba’t ibang airlines at kung paano tutulungan ang mga pasahero sa kanilang mga pangangailangan.
Ang siste, basanta, este basta na lang nawala ang terminal managers…
At hanggang sa pagharap sa Senado, si GM Monreal pa rin ang kanilang ipinagisa?!
Pero hindi sila nagtagumpay.
Anyway, mukhang wake-up call na rin ito para kay GM Monreal.
Mukhang kailangan na niyang ‘sipain’ ang mga overstaying na terminal managers na kung hindi nagpapalaki ng ‘yagbols’ ay ‘nagpapalapad’ ng balakang.
Mantakin ninyo, pagkatapos ng nasabing insidente, nakukuha pang ngumiti-ngiti at mag-display-display sa airport?!
GM Monreal, panahon na para palitan ng mga bata, innovative at hindi pakaang-kaang na managers ang mga terminal manager sa NAIA.
Subukan na po ninyong umpisahan…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap