Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, bawal mapagod ang lalamunan

HIRAP man magsalita pilit pa rin nakitsika sa amin si Kitkat nang magkita sa isang Korean restaurant sa Timog. Kasama niya ang kanyang asawa at ibinalitang kagagaling lang sa kanyang therapy para sa nawawalang boses niya.

Napag-alaman naming nagkaroon ng nodules o parang kalyo sa vocal cords niya dahil sa sobrang kadaldalan o maling gamit ng boses.

Kaya ang biro niya sa amin, “magsasalita lang ako kapag may bayad,” sabay tawa.

Bale bawal mapagod ang kanyang lalamunan, kaya kailangang tipid ang kanyang pagsasalita.

Ang sinasabing nodules ay mas kilala bilang Singers’ Nodes. Ito’y parang kalyo sa vocal cords na sanhi ng kasisigaw, kakasalita ng walang hinga-hinga o placing.

Wala namang problema si Kitkat sa pagkanta dahil nasa tamang placing iyon. “Sabi nga ng doctor kung puwede ko ikanta ang mga salita ko o sigaw na parang birit mas maganda. Kasi misuse, mali ang gamit ko ‘pag nagsasalita at sigaw at daldal. So, nagkakalyo kumbaga ang vocal cords ko,” kuwento ni Kitkat.

Kaya kinailangang mag therapy si Kitkat o ‘yung Speech Language Voice Therapy sa Speech Pathologist para i-therapy ang mga tamang pagsalita, pagsigaw, at pagdaldal ng matagal.

“Parang voice lessons pero para sa pagsasalita. Medyo may tatlong buwan na kasi akong paos, wala naman akong sakit kaya medyo nag-worry po ako. Mas maganda pa na puro super kanta ng kanta kasi mas nagiging healthy ang vocal folds ko. Pero ayun, maraming gigs ng fiesta, so sigaw ng sigaw. Hahahhaha!”

Nakadagdag pa ang acid reflux sa pamamaga ng larynx at vocal cords ni Kitkat kaya pinagagaling din niya ito.

“Actually ‘di naman talaga siya sakit, kumbaga nga po sa kalyo, kalyo po siya sa paa kakagamit or maling paggamit ng shoes or masikip.

“Usually ang nodules, ‘pag maliit at isa lang, minsan mas gusto ng singers. Kasi, mas nakadaragdag ng power or body sa boses lalo kung ang forte ng kanta is parang tipong Aegis. Kasi minsan kapag may nodules ay medyo nagha-husky ng kaunti, so maganda siya sa mga kanta ng tulad ng Aegis, Christina Aguillera, etcetera.”

Hindi naman apektado ang teleserye niyang Sana Dalawa Ang Puso dahil normal pa rin naman ang boses niya. At hangga’t maaari, iniiwan na niya ang sobrang pagsasalita kung hindi naman kailangan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Pauline Mendoza, gustong mag-concentrate sa drama
Pauline Mendoza, gustong mag-concentrate sa drama
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …