Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pauline Mendoza Bianca Umali Kyline Alcantara

Pauline, Walang kinikilingan kina Bianca at Kylie

HININGAN naman namin ng reaksiyon si Pauline tungkol sa mainit na isyu ng love triangle kina Bianca Umali, Kyline Alcantara, at Miguel Tanfelix.

Nagkasama silang apat sa katatapos lamang na GMA teleserye na Kambal, Karibal.

Noong nagte-taping ba sila ay na-witness niya na may something nga kina Bianca at Kyline?

“Ahm… kaunti,” at natawa si Pauline.

“Parang… may something.”

Ano ang napansin niya?

“Nagugulat na lang din po ako sa mga ano eh, ‘yung mga lumalabas na news.

“Sa mga newspapers.”

Pero kina Bianca at Kyline mismo, ano ang napansin niya, nag-i-snob-an ba ang dalawa, may tensiyon ba sa set?

“Hindi naman sila nagsasapakan,” at tumawa si Pauline, “okay naman.

“Nag-uusap naman po. Kasi ‘pag sa work talaga, nag-uusap naman kaming tatlo.

“Okay naman.”

Na bago matapos ang serye, may naganap na something kina Bianca at Kyline?

“Feeling ko.”

Dahil nga hindi sila close?

“Yeah.”

Si Pauline kanino siya mas close kina Bianca at Kyline?

“Pantay lang naman.

“Wala naman akong… kung anong mayroon sa kanilang dalawa, wala akong side na, ‘rito lang ako’, or ‘dito lang ako’.

“Or kay Bianca lang, or kay Kyline lang, wala.

“Kasi nagugulat na lang ako kasi hindi ko alam kung anong nangyayari.”

Sa palagay ba ni Pauline ay si Miguel ang dahilan kaya may isyu kina Bianca at Kyline?

“Kay Miguel? Iyon ‘yung nakita ko, na puro kay Miguel, eh.

“I mean hindi ko alam kung si Miguel ba, sino ba, pero kasi sa mga kumalat sa Twitter and sa news, si Miguel!”

Si Pauline ba ay hindi pinagselosan ni Bianca?

“Ah, hindi naman po kasi bago pa lang, sa mga commercial pa lang namin, magkasama na kami ni Bianca.”

Kaya mas nauna niyang nakilala at naging kaibigan si Bianca.

“At saka nakilala ko lang po si Kyline, sa ‘Kambal’ na.”

So mas close niya nga si Bianca?

“Opo, mas una ko po kasi siyang nakilala.”

Never nakaranas ng pamba-bash si Pauline mula sa fans nina Bianca at Miguel.

Eighteen years old si Pauline at wala siyang boyfriend.

May nanliligaw sa kanyang taga-showbiz pero ayaw niyang i-reveal kung sino.

Kapuso ang tanging clue na ibinigay ni Pauline.

Rated R
ni Rommel Gonzales


Pauline, umaasang gagaling ang inang may cancer

Pauline, umaasang gagaling ang inang may cancer

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …