SA aming rekomendasyon sa kaibigang director at independent movie producer na si Direk Reyno Oposa, malamang na sumabak sa kauna-unahan niyang indie film ang guwapong young actor na si Christian Gio, na alaga ng kapatid namin sa showbiz na si Ronnie Cabreros. Kung naging all-out lang at walang restrictions ay marami na sanang project si Gio, pero tulad nga ng aming naisulat ay mas gusto ng actor at ni Ronnie na maging wholesome star siya. Patuloy rin ang manager (Cabreros) ng binata sa paghahanap ng commercial project para sa kanya at mukhang magkakaroon na rin ito ng katuparan in the near future.
‘Yung teleserye naman na gustong gawin ni Christian ay naghihintay lang sila ng offer at kung ang batang aktor ang tatanungin ay gusto niyang makalabas rin sa mga programa ng Kapamilya network at siyempre sa Kapuso, na nagkaroon na siya ng ilang projects.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma