SABI ng isang kaibigan na mas masugid pang tagasubaybay ng showbiz kaysa amin, si Kim Chiu talaga ang may pinakamagandang karma sa mga kasabayan n’ya sa showbiz. Kasi nga, wala pang pelikula ang young Fil-Chinese actress na nag-flop sa takilya.
Pero ‘di naman nakapagtatakang laging good karma si Kim. Napaka-forgiving n’ya kasi at walang bahid ng kasupladahan at katarayan.
Sa gala premiere ng pelikula nina Sarah Geronimo, James Reid, at ng boyfriend n’yang si Xian Lim, ang Miss Granny, may nagtaray-tarayang tao na pinaalis siya sa upuan n’ya dahil ‘yon daw ang upuan niyong tao, ayon sa hawak n’yang tiket. Mapayapang tumayo lang si Kim, at naghintay lang na mabigyan ng ibang upuan. (Actually, pati ang mga katabi ni Kim ay pinalipat din.)
Kung sa ibang artista ‘yon, malamang ay mag-dialog na: “I am an actress. Don’t you know who I am? Sino ka para paalisin ako sa upuan ko?”
Actually, event ng Viva Films ‘yon, hindi ng Kapamilya Network/Star Cinema, dahil ang Viva nga ang producer ng pelikula. Nakunan ng isang You Tube blogger ang insidenteng ‘yon ng pagpapaalis kay Kim sa upuan n’ya at naging viral ang posting. Pinik-ap ng ABS-CBN news website ang You Tube posting.
Nag-react si Kim sa pamamagitan ng Twitter n’yang @prinsesachinita: “Yes this is true, pinaalis kami, but all went well naman… ok lang yun.. tama naman si ate/kuya may seat number naman talaga siya. kaya kami na lang lumipat… let’s talk about how good the movie is, not this very small incident, nothing biggy. parehas naman po kami nakanood:)
Wala siyang angal. Walang taray. Walang sinisi kung bakit natrato siyang parang isang fan.
So, paano nga namang ‘di laging good karma si Kim?
At isa sa good karma n’ya ngayon ay ang pagkakapili sa kanya para maging isa sa mga host ng bagong reality show ng ABS-CBN, ang Star Hunt.
Kung magpapatuloy si Kim sa pagiging maunawain at forgiving, tiyak mas marami pang good karma ang darating sa kanya.
(DANNY VIBAS)