HINDI umubra ang hirit na ‘move-on’ ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa millennials.
Ang sabi niya, ‘yung millennials daw nag-move-on na bakit ‘yung older generations na kasabayan niya e parang nababalaho pa.
Mahirap talagang sabihin ‘yun, lalo roon sa henerasyon na isinakripisyo ang kanilang mga pangarap para sa sarili at sa pamilya para lumahok sa mga organisasyong lumalaban noon sa diktadura at ipagkaloob ang kanilang buong oras (fulltime) nang libre at wala ano mang kapalit.
Marami ang hindi nagtapos noon sa kolehiyo dahil lumahok sa pakikibaka laban sa diktadura. Nang bumagsak ang diktadura marami sa kanila ang nawalan ng fallback. Nagkaroon ng pamilya pero nahirapan sa buhay kasi nga walang regular na hanapbuhay.
Ang isang positibo lang doon, marami sa kanila ay mga survivor. Ang iba ay nanatili sa politika, may pumasok sa media, sa local government units (LGUs), mayroon din sa pribadong mga kompanya, humanitarian groups at iba pa.
Pero definitely, iba dapat ang buhay nila kung nagtapos sila sa kolehiyo at kumarera.
Pagkatapos, magsasalita ngayon ang anak ng ‘pinatalsik’ na dikatador na mag-move on?!
Sonabagan!
Ang hirap naman no’n!
At ang isa sa dapat at importanteng ginawa nila ay mag-sorry. Pero hindi pa sila nagso-sorry, pagkatapos move-on na lang daw?!
OMG!
Wala naman daw kasing ebidensiya. E ano pala ‘yung mga nakompiskang art works, jewellery at ang walang kamatayang kuwento tungkol sa gold bars?!
Drawing ba lahat ‘yun?!
Mukhang kayo lang ang naka-move-on Madam Imee dahil balak pa ninyong tumakbong senador. At mukhang game na game na kayo…
I wish you luck, Madam!
READ: Joel Cruz ng Aficionado nakalusot nga ba sa BIR?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap