Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mente pumanaw na, PBA nakisimpatya

NAWALAN na naman ng isang alamat ang Philippine Basketball Association sa pagpanaw ng dating slam dunk champion na si Joey Mente kamakalawa bunsod ng pagkatalo sa kanyang laban kontra kanser.

Sumasailalim pa sa chemo­therapy para sa kanyang pag­galing, binawian ang 42-anyos na si Mente ng buhay kamaka­lawa sa kanyang tahanan sa Capul Island, Northern Samar at ngayon ay doon din naka­himlay.

Magugunitang sa simula ng taon ay nakitaan si Mente ng dalawang tumor (isa sa ulo at isa sa dibdib) kaya’t kinaila­ngang sumailalim  sa operasyon at radiation treatment bago mag-chemotherapy.

Sa kanyang kalagayan noon, nagtulong-tulong ang mga dating kakampi niya sa SMB sa pangunguna ng head coach na si Jong Uichico upang maka­likom ng pera para sa pagpapa­gamot ni Mente.

Nagbigay din ng tulong pinansiyal ang San Miguel Corporation sa pamumuno ni president at chief operation officer Ramon S. Ang gayondin ang Rain or Shine sa pangu­nguna nina co-team owners Terry Que at Raymond Yu.

Nitong Marso, nagsagawa ang mga dating PBA players sa pangunguna ni Mark Telan ng charity golf tournament na tinawag na ‘Fore for Mente’ para sa pinakamamahal nilang kasamahan.

At agad-agad, sa kanyang pagpanaw, ay nagpahayag ng simpatya ang mga dating ka­kam­pi at kalaro ni Mente noong siya ay naglalaro pa sa PBA.

Nanguna dito ang dati niyang backcourt partner sa San Miguel na si Olsen Racela gayondin ang coach ng Beermen na si Uichico sa pag-alaala ng hindi malilimutang ngiti at tawa ni Mente bilang isang kuwelang kakampi.

Matapos ma-draft bilang 10th overall pick mula sa Lyceum noong 2001 PBA Rookie Draft, ginulat ng 5’9 manlalaro na si Mente ang PBA nang sungkitin ang Slam Dunk Trophy at buhat noon ay naglaro na sa Beermen hanggang 2005 na nagresulta sa dalawang kampeonato.

Nalipat si Mente sa Rain or Shine (dating Welcoat) at naglaro siya mula 2006 hang­gang 2008.

Ngunit para  sa kanyang mga kasamahan, hindi ang paglalaro ni Mente ang hindi nila makakalimutan kundi ang kanyang pagiging masayahin at palabirong tao.

“Joey Mente was all heart and passion on the court. One of my first teammates. Great person. RIP Mente,” anang dati niyang kasamahan sa Welcoat na si Joe Devance.

“Much love to you, my brother. Joey “Kuryente” Mente. Be­lieve me, when I say your name will live on forever. Rest well at Big Dome – Araneta Cen­ter Cubao,” ani Belasco na idiniing habambuhay na mana­nahan si Mente sa tahanan ng PBA sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Maging si PBA Commis­sioner Willie Marcial na matagal nagsilbing PBA Media Bureau Chief at nakatrabaho ang halos lahat ng manlalaro simula nang itatag ang PBA noong 1975 ay hidni rin naiwasang malungkot sa pagkawala ni Mente.

“Nakalulungkot kasi masa­yahing tao ‘yun e. Pag nakaka­sama namin sa game sa out of town. Mahilig kumanta, masa­yahing tao,” ani Marcial.

“Huling kita ko sa kanya, ang sigla niya. ‘Di mo akalaing tatamaan nang ganoon. Naka­lulungkot.” (JBU)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Alex Eala Parents

Ama ni Eala pinuri ang PSC

WALANG iba kundi si Mike Eala, ama ng tennis star na si Alex Eala, ang …

2026 World Slasher Cup

20 entries pasok sa grand finals ng 2026 World Slasher Cup

DALAWAMPUNG entries ang magtutunggali sa grand finals ng kauna-unahang edisyon ng World Slasher Cup 9-Cock …

PSC Pato Gregorio PFF John Anthony Gutierrez

Football ng Pilipinas, Nagmarka ng Kasaysayan sa 2025

NOONG 2025, naabot ng football sa Pilipinas ang mga hindi pa nararating na tagumpay. Sa …

Creamline Cool Smashers PVL

Cool Smashers pinagtuunan ng pansin ng liga sa PVL All-Filipino Conference

Mga Laro Bukas(Filoil Centre)4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal6:30 n.g. – Akari vs Choco …

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …