Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mackie, lalaking-lalaki na marunong magboses babae

MARAMI sa mga nanood sa Bakwit Boys, isa sa entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 ang sobrang naaliw sa performance ni Mackie Empuerto ng TNT Boys. Magaling kasing umarte ang bagets maliban sa mahusay ding kumanta.

Katunayan, siya ang nagpa-iyak sa amin habang pinanonood namin ang isang eksena sa pelikula.

Ayon sa kanyang manager na si Jemuel Salterio, na-discover niya si Mackie sa isang singing contest sa Manila. Habang binabaybay nila ang isang distrito ng Sampaloc ay may narinig siyang kumakanta ng Listen. Pinahinto nito ang kotse para pakinggan ng buo ang kanta at nang natapos, may kinausap siyang taga-roon na dinala sa kanya ang bata.

Nang nakaharap na si Mackie, hindi siya kumbinsido na ito ang kumanta  dahil isang babae ang tinig na narinig niya. Pero pinilit ng kausap na ang bata ang kumanta.

Sampung taon lang si Mackie at lumalaban na sa mga kontes at isa sa tiniyak nito kay Jemuel ay lalaki siya at marunong lang siyang mag-boses babae.

 

 

Unang GF ni Joshua, matanda ng 5 taon sa kanya
READ: Unang GF ni Joshua, matanda ng 5 taon sa kanya
Vance, hindi itinago ang pagiging batang ama
READ: Vance, hindi itinago ang pagiging batang ama

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …